15 pairs lang daw ang gusto ng couple… Kasalang Richard-Sarah, biglang naging 40 ang ninong at nina
- Mercy Lejarde
- Oct 10, 2019
- 1 min read

Hands-on naman si Annabelle Rama sa March 20, 2020 wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kaya present din ang byuti niya ru’n sa ipinatawag ng ABS-CBN na special announcement.
Pero nang tangkain ni yours truly na interbyuhin itey ay ‘wag na raw siya kasi moment daw ‘yun nina Richard at Sarah.
Oo nga naman. But in pernes ay malaki ang participation ni Annabelle sa forthcoming wedding nina Sarah at Richard. Isa rin siya sa mga magiging busy sa wedding preparations.
“May guest list siya. May listahan siya ng ninong at ninang. So, we’re still collaborating on that list.
“Sa listahan namin, mga 12 pairs to 15 pairs (of principal sponsors). Noong dumating ‘yung listahan ni Mommy, naging 30 or 40 pairs yata. Of course, we wanna thank my mom kasi super hands-on siya rito. May good intentions siya when it comes to our wedding,” katwiran ni Richard in defense of her mommy dearest.
At tipong kasundo naman ni Sarah ang kanyang mother-in-law dahil when yours truly asked her kung naniniwala ba siya sa saying na kapag ang babae raw ay humihiwa ng sibuyas at naiyak ay ‘di raw nito makakasundo ang kanyang biyenang babae, ang sumagot ay ang publicist nilang si Jun Lalin by saying… “Naku, Tita Mercy, hindi humihiwa ng sibuyas si Sarah dahil may mga katulong sila, ‘noh!” tsuk, ‘yun na!





Comments