top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

TV host, tapos na sa mga mayor, sa pulitiko pa rin ang bagsak… Vice-Gov. Leviste, ibinulgar ang nang

  • Janice DS Navida
  • Oct 9, 2019
  • 2 min read

First time naming na-meet in person si Batangas Vice-Governor Mark Leviste na nasa contract signing ni Sen. Manny Pacquiao. At dahil just recently, pinagpi­yestahan ang palitan nila ng mensahe ni Kris Aquino sa social media tungkol sa pag-aalok ng ‘friendship’ ng pulitiko sa former Presidential Sister, ininterbyu namin si VG Mark tungkol dito.

Upclose and personal, mukhang masayahing tao si VG Mark at laging nakangiti.

Tinanong namin siya kung ano’ng masasabi niya na nagpapalipad-hangin pa lang siya kay Kris ay parang ‘binasag’ na nito ang intensiyon niyang maging close sa TV host.

Sagot ni VG Mark, contrary sa na­basa ng mga netizens na sagot sa kanya ni Kris, natutuwa siya na magka-text sila ngayon mula nga nang magsimula silang magkapalitan ng messages sa socmed.

Hindi rin idinenay ni VG Leviste na matagal na niyang crush si Kris, bago pa raw naging pangulo si ex-Pres. Noynoy Aquino ay nagpaparamdam na siya ng intensiyon niya sa TV host. Kaso raw, malaki ang age gap nila, 48 na si Kris at 41 years old lang siya.

Kaya nang mag-announce si Kris recently na open siyang tumanggap ng suitors na 41 yrs. old above, nakakita ng opportunity si VG Mark na makipag-close rito at ‘yun na, ngayon nga ay mukhang nagiging malalim na ang ‘friendship’ nila.

Ayon kay VG Mark, “She said that she’s open to know me more, at gusto kong isipin na isa itong posi­tibong senyales ng magandang pagkakaibigan at kung ito ay humantong sa mas mataas na level, so be it. I’m open to enter a friendship or even a relationship.”

Wow, ha? Mukhang after ng mga previous relationship ni Kris sa mga mayors, sa vice-governor naman siya babagsak!

And why not? Very vocal naman si VG Mark na talagang gustung-gusto niya si Kris and he even said na kahit may mga anak na ang TV host, okay lang sa kanya dahil may 3 kids na rin naman daw siya.

So, one big, happy family sila ‘pag nagkataon!

Let’s see kung saan hahantong ang friendship nila ngayon. Abang-abang, mga Ka-Bulgar!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page