Sexy star, big time! Kim, sagot ang bakasyon-grande abroad ng 15 kapamilya
- Erlinda Rapadas
- Oct 9, 2019
- 1 min read

Loveless pero ayaw munang pumasok sa bagong relasyon ng Kapuso sexy star na si Kim Domingo na isa sa lead cast ng afternoon soap na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko kasama sina Kris Bernal at Megan Young.
Hindi naman daw niya prayoridad ang kanyang love life at pagkakaroon ng boyfriend. Hindi naman empty and lonely ang kanyang buhay. May career naman siyang pinagkakaabalahan ngayon at masaya sa piling ng kanyang mommy, mga pinsan at pamangkin.
Solo child si Kim kaya gusto niya na marami siyang kasamang kamag-anak kapag siya ay nagbabakasyon abroad. Kadalasan, labinglima silang lahat na magkakasamang bumibiyahe.
Pagtapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko at libre na ang kanyang schedule, dadalhin niya ang kanyang mga pinsan at mga pamangkin sa Singapore at Malaysia. Noong previous year ay sa Hong Kong at Macau niya ipinasyal ang mga ito.
May kuwento si Kim Domingo na nag-effort naman siyang hanapin ang kanyang biological father na isang Pranses. Ipinagbubuntis pa lang daw siya noon ng kanyang mommy ay nawala at hindi na nagpakita ang kanyang ama kaya walang idea si Kim kung ano ang hitsura nito.
Anyway, hindi naman daw niya nararamdaman na may kulang sa buhay niya.





Comments