Calahat, binuhat ang Stags; Blazers, humahakbang sa F4
- A. Servinio
- Oct 9, 2019
- 2 min read

Ginulat ng San Sebastian College ang Lyceum of the Philippines University, 73-71, sa paghaharap ng dalawang koponan na maaring magkita sa parating na Final 4 ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre kahapon.
Bumida sa huling minuto ng laro si Rommel Calahat upang ibigay sa Stags ang kanilang ika-9 na panalo at palakasin ang pagkakataon nilang sundan ang huling kampeonato noong 2009.
Matapos itabla ni Jaycee Marcelino ang laro na may 21 segundo sa orasan sa pamamagitan ng kanyang dalawang free throw, 71-71.
Tumawag ng timeout si Coach Edgar Macaraya para sa SSC at eksakto ang pasa ni Allyn Bulanadi sa walang bantay na si Calahat para ibalik ang lamang sa Stags at 5 segundo ang nalalabi, 73-71.
Sinundan ito ng agaw ng bola ni Calahat Reymar Caduyac at napilitang mamigay ng foul ang Lyceum para matigil ang oras. Napilitang magbigay ng foul ang Lyceum para mapigil ang orasan pero dahil wala pa sila sa penalty, inubos ng Stags ang mga nalalabing segundo.
Nagtapos si Bulanadi na may 28 puntos at 7 rebounds habang nagdagdag ng 11 si RK Ilagan.
Pinasok ni Aljohn Capobres ang 9 na puntos, ang huli ang tres na nagpalamang sa Stags na may 56 segundo, 71-69, bago ang mga nagpatabla na free throw ni Marcelino.
Sa unang laro, nabuhay ang pag-asa ng CSB Blazers na makapasok sa Final 4 matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 62-56.
Ito ang ika-pitong panalo ng Blazers at kailangan nila manalo sa huli nilang tatlong laro para umabot sa 10 panalo.
Nanguna para sa Blazers si Yankie Haruna na may 16 puntos at 9 na rebound.
Sinundan siya ni Justin Gutang na nag-ambag ng 12 puntos. Laro sa Huwebes – FilOil Flying V Centre 2:00 Saint Benilde vs. San Beda: 4:00 San Sebastian vs. Mapua.





Comments