Senyorita Bulljack DMCA solo champion sa WPC
- MC
- Oct 8, 2019
- 2 min read

Matapos ang record-breaking na 529 kalahok sa 11th edition ng World Pitmasters Cup, may nag-iisang entry ang itinanghal na solo champion ng September 2019 WPC 9-Stag International Derby. Ang Senyorita Bulljack DMCA na entry nina Jepoy, Bulljack at Allan Vicencio ang namayani laban sa 23 iba pang World Pitmasters Cup grand finalists noong Biyernes, Okt. 4 sa jam-packed, SRO crowd sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Walang gurlis ang entry para sa championship sa pinaka-prestihiyosong stag derby sa buong bansa. Ang entries nina RJ Mea (RJM R Star Staton GF), Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza at Boy Velez (White Eagle), San Rafael, Bulacan entry Goto Violago (VRV San Rafael) at Jimmy Rimando/Voltaire Atienzar/Bebot Uy (Raptor Isabela VM SF) ang nagtapos na runners-up na may 8 puntos.
Naging strong 2nd-runner up finishers na may 7.5 puntos bawat isa sina Atong Ang (Small Bear 3), Sonny Lagon/J. Ruz (Ako Bisaya J. Ruz Scorpio), RJ Mea (Black Magic Tiaong), John Capinpin/ Alonte (JCAP AMA), Atty. Caluya/Atty. Santos (Grand Archon 114) at Larry Villacorte (Hillvilli Job). Ang top finishers sa WPD ay nag-uwi ng share sa tumataginting na P42.3-M cash prize, na pinakamalaki sa WPC history.
Samantala, nakahanda na ang November 2019 WPC 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theater ng RWM. Ang 4-Day elimination at semi-final format ay: November 10, 2-Stag Elims; November 11, 2-Stag Elims; Nov. 12, 2-Stag Elims; Nov. 13, 2-Stag Elims; Nov.15, 7-Stag Big Event 220 k Pot; Nov. 17, 3-Stag Semis; Nov. 18, 3-Stag Semis; Nov. 19, 3-Stag Semis; Nov. 20, 3-Stag Semis; Nov. 22, 4 Stag Pre-Finals (3 and 3.5 points); Nov. 23, 4-Stag Grand Finals (4, 4.5 and 5 points). Tanging mga Bakbakan, PFGB-Digmaan at Salpukan banded stags ang tatanggapin. Ang tamang timbang ay mula 1.7-2.2 kg.





Comments