top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Problemado sa pinsan na wa’ kayod pero mag-aasawa na, sa kamag-anak pa umaasa

Roma Amor
Oct 8, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Maine, nalaman ko na ikakasal na ‘yung pinsan kong lalaki. Sabi niya, nagli-live-in na raw sila ng GF niya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang stable na trabaho at kung meron man, hindi siya tumatagal. Walang permanenteng trabaho ang mga magulang niya kaya minsan ay umaasa sila sa amin. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi basta-basta ang pag-aasawa nang hindi siya mao-offend? Thank you! — Maine

Maine, Dapat malaman niya na kapag nag-asawa na siya, hindi na puwedeng umasa sa pamilya mo o sinuman. Para malaman niya kung ano ang gusto mong sabihin, diretsuhin mo na dahil nasa kanya na ‘yun kung mao-offend siya. Gayundin, hayaan mo siyang matuto sa pagkakamali niya at ‘wag kang magpaka-stress sa bagay na hindi mo kontrolado. Kung masasanay siya na may tumutulong o umaalalay sa kanya, hindi talaga siya mag-e-effort na ayusin ang sarili niya. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page