top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lifestyle check sa mga ninja cop, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2019
  • 1 min read

Kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na agaw-bato, inihirit na isalang sa lifestyle check ang mga binansagang “ninja cop”. Bagay na pinaboran na­man ng Palasyo.

Magandang hakbang ito para magkaalaman na rin kung paano sila nagpakasasa sa ilegal na gawain. At tiyak na hindi maiiwasang makaladkad maging ang kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay na dapat ay una nilang inisip bago pumasok sa kalokohan.

Sa pamamagitan nito, mapatutunayan kung gaano nila binaboy ang kanilang pagiging pulis. Mula sa bahay, sasakyan, negosyo at iba pang ari-arian, lahat ay dapat usisain.

Nakapanlulumo na habang may mga pulis na tapat sa serbisyo na nagtitiis sa kung ano lang ang kayanin ng suweldo ay may mga bugok na hindi makuntento.

Ang pagiging pulis ay tulad din ng lahat ng manggagawa sa gobyerno. Hindi dapat inaasam ang pagyaman kundi ang makapaglingkod sa mamamayan.

Ngayon, kung ikakatwiran na nilamon lang ng sistema kaya nahawa sa mga bulok na pulis, malaking kalokohan ‘yan dahil la­hat tayo ay may pagpipilian.

Kaya sa “ninja cops” na mabubulgar na ang mga itinatagong yaman, ginusto n’yo ‘yan, managot kayo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page