Kung BF daw na si Ruru, dedma… Piktyur ni Bianca na naka-two-piece, ni-like ni Jimuel
- Nitz Miralles
- Oct 8, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ni-like ni Jimuel Pacquiao ang picture ni Bianca Umali na naka-two-piece at nagsa-sunbathing. Ang linaw ng pangalan ni Jimuel at agad nabasa ng mga unang nakakita sa post ni Bianca.
Ang sexy naman kasi ni Bianca although may hindi natuwa sa kanyang pose na parang nakahiga, pero nakataas ang upper part ng body. Pero, mas marami pa rin ang nagkagusto at naseksihan sa picture at isa na nga si Jimuel Pacquiao.
Inisip agad ng mga netizens na single na si Jimuel dahil break na sila ni Heaven Peralejo. Kaya lang, si Bianca ay hindi single at kahit hindi pa umaamin, alam ng marami na sila ni Ruru Madrid ang mag-BF ngayon.
Hindi pala nag-like si Ruru sa picture ni Bianca, pero ang sister nitong si Rere Madrid, nag-comment ng “Woot!”
Anyway, masaya si Bianca sa award ng Sahaya na nanalo sa Sinebata Festival sa Professional Fiction 13-17 years old category. Ang Sahaya rin ang official entry ng Philippines sa 3rd Southeast Asia Video Festival.





Comments