Kaya natakot mawalan ng career nang mag-asawa si Toni… Alex, aminadong inaayawan ng mga bossing sa d
- Ronalyn Seminiano
- Oct 8, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Inamin ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga na muntik na rin siyang mawala sa showbiz industry.
Matatandaang nagsimula siya sa pagiging artista sa likod ng anino ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Tila palaging kaakibat ng pangalan ni Toni ang bawat kilos ni Alex. Sa ganitong paraan nakilala ang actress-vlogger.
Noong June 12, 2015 ay nagpakasal ang ate niya sa direktor na si Paul Soriano at dito, aniya ay nagsimula na siyang mag-worry kung ano na ang mangyayari sa kanyang career.
Sinabi ni Alex na nakaramdam siya ng matinding self-doubt at inisip niyang magtutuluy-tuloy na ang pagbagsak ng career niya. Naikuwento niya ito sa show ni Ms. Korina Sanchez na Rated K noong Oct. 6.
Emosyonal si Alex habang sinasabing, “Nu’ng time na ‘yun, naiyak ako kasi ikinukumpara ko ‘yung sarili ko na, ‘Paano na ‘ko ‘pag wala na ang ate ko? Hindi na ako magkakaroon ng money, hindi na ako kikita, wala ako...’
“May mga heads nga sa network ko na parang hindi ako gusto, paano ako? Ang dami kong haters, walang may gusto sa akin. Nakita ‘yun ng boyfriend ko na I was crying.
“Iniisip ko na ano’ng gagawin ko? Ang dami kong gustong gawin na nasa isip ko, na hindi ko magawa, kasi hindi naman ako nabibigyan ng pagkakataon and opportunity.”
Dito na nagsimula ang pagtahak niya sa mundo ng vlogging.
Aniya, “Sinabi ko lang one day, ‘Gusto kong mag-vlog.’ My friend, Winnie Wong was there and she said, ‘Okay, I’ll do it for you.’”
Nagsimulang mag-post ng vlog si Alex sa YouTube noong July 31, 2017 na isang makeup tutorial. Ito rin ang mga panahong malapit nang matapos ang kanyang kontrata sa Dos at hindi niya alam kung mari-renew ba ito dahil nga hindi lahat ng executives sa network ay gusto siya bilang artista nila.
Aniya, “That time rin po, I’m ending my contract in ABS. And parang wala kaming meeting na if they’re gonna renew, wala. So, sabi ko ‘Okay, I’ll just be happy with ano...’ Kasi kung anuman ‘yung lumalabas sa akin sa social media, ‘yung response nila, sobrang fulfilled ako.”
Hindi naman daw hiniling ni Alex na sumikat through vlogging. Hindi rin niya akalain na tatangkilikin ng mga netizens ang first vlog entry na umabot ng tumataginting na 2 million views.
Sabi ni Alex, “Inisip ko na it’s gonna be the end of my career on TV, I’m gonna focus na on YouTube. And then, so I was searching the people from YouTube that time and nakita ko, they’re happy, they’re earning monthly, YouTube is giving them money.”
Dahil dito, itinuloy niya ang pagpo-post ng vlog at pagiging social media influencer. Parami pa nang parami ang mga subscribers ni Alex at umabot na nga ito sa 4.5 million at ito rin ang naging daan kung bakit hindi siya nawala sa limelight ng telebisyon.
“Nu’ng naging sobrang overwhelming ng response, and then ABS renewed my contract, and then mas lumaki, mas maraming opportunities na nagbukas sa akin. So, it was never expected po na ‘yun ‘yung mangyayari sa akin.”
Ito raw ang lesson na natutunan niya sa mga nangyari, “Ako po, ang lesson ko ru’n is, dapat, you have to do something that you love. Stop thinking about kung ano ang iisipin ng ibang tao, kung paano ka kikita…
“The money will follow if you really love what you’re doing,” dagdag pa niya.





Comments