Imbes tulungan daw, ibinabagsak pa ang friend niya… Bianca Lapus, napikon sa mga nagkakalat na baliw
- Julie Bonifacio
- Oct 8, 2019
- 3 min read

Binigyang-linaw ng co-manager ni Claudine Barretto at artista ring si Bianca Lapus ang kumalat na balita sa unstable na kalagayan ng emosyon ng aktres.
Nasa ospital daw si Claudine ngayon para bantayan ang kanyang dad at kasama niya ang kanyang Mommy Inday.
Ito raw ang dahilan kaya loaded ang utak ni Claudine these days and it will not help if she gets to see negative news about her, ayon kay Bianca.
Naisulat namin dito sa Bulgar ang pag-aalala ng isang concerned friend ni Claudine sa paiba-ibang state ng emotion ng aktres.
Hanggang sa nakausap namin ang pamangkin niyang si Claudia Barretto na merong mental health advocacy at umamin na naranasan din niya ang magkaroon ng mental illness.
“She (Claudine) is actually an advocate, ate,” sabi ni Bianca.
“In fact, she recently attended an event to raise awareness about mental health. Ang ayoko lang, pinapalabas kasi na baliw siya imbes na tulungan siya makabalik. Hindi pa nga nakakatayo ‘yung tao, pinipilayan na ulit.”
Feeling ni Bianca, may mga tao lang na naghihintay na maka-commit ng mistake si Claudine when she is doing everything to recover and get up again.
“I think she is one of the most misunderstood actress sa industry. Marami siyang pinagdaanan na trauma at depression. ‘Yung kay Rico (Yan) pa lang, ate, ‘di ka ba madi-depressed, ‘di ba? Ang daming pinagdaanan nu’ng tao,” pahayag ni Bianca.
Maging si Bianca bilang co-manager ni Claudine, may mga nag-warning na raw sa kanya.
“Maraming nagsasabi sa akin ng good luck, ganito, ganyan. Pero ayoko silang pakinggan kasi ang kailangan ni Clau ngayon, mga totoong tao na nagmamahal at naniniwala na kaya niyang bumangon. ‘Di matatawaran ang talent niya, even sa last MMK (Maalaala Mo Kaya) niya, ang taas ng rating and had good feedback kahit may lumabas na ‘di raw niya memorized ang lines niya. It’s all lies. She arrived at the set 2 hrs. early, and she memorized all her lines, almost take 1 lahat,” diin pa niya.
More than a co-manager, true friend daw siya para kay Claudine na gumagabay at sumusuporta ngayon sa aktres together with Star Magic and Star Cinema.
“Even Piolo (Pascual), full support sa pagbabalik niya. I hope people will stop judging Clau about her past. Everyone has a past na ‘di kagandahan pero sana, lahat mag-move on na, ‘di ba? Support people who are trying to recover from their mistakes, from their dark past like you, like me, like Claudine and everybody else. Focus on what is good.”
Dagdag pa ni Bianca, “Eto nasusulat ba? Alam ba ng mga tao na kahit ano’ng puyat niya, gumigising siya para ipaghanda ng almusal at baon ang mga anak niya? Alam ba nila na kung hindi dahil kay Claudine, walang tinitirhan ang magulang nila now?
“Kaya nga sa lahat ng anak, siya ang paborito at hinahanap, kasi siya ang palaging tumutulong sa buong pamilya lalo na nu’ng panahon na active siya.
“Alam ba nila na may mga tinutulungan si Claudine randomly like nasa ER ng hospital, nakita niya, walang pera, ayaw i-admit o gamutin, siya ang sumagot.”
Pati raw sa mga kasambahay ni Claudine, ang trato niya sa kanila ay pamilya na rin.
“Yes, she is imperfect minsan, maski kami, nagtatalo, we agree to disagree, pero lahat naman, ganu’n, ‘di ba? She is genuinely generous, ate. She is just really misunderstood. She is doing her best now, diet, workout, treatments to prepare for her comeback together with Piolo and we already had a closed-door meeting with Star Cinema and Star Magic.”
Understandable nga raw kung maging sobrang emosyonal si Claudine ngayon.
“She’s very emotional now, ate, kasi siyempre, nag-aasikaso siya sa parents niya. Wala naman kasama ‘yung dalawa sa bahay. So, now, nasa ICU si daddy, si mommy and Claudine, magkasama. Siya sa lahat ang pinaka-hands on.”
Nais ni Bianca na ma-establish ang name niya sa bagong field na pinasok niya as a good and loving hands-on manager like her very first manager, Tita Vera Isberto. Siya rin ang dating manager ni Jao Mapa.





Comments