Horoscope | Oktubre 08, 2019 (Martes)

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 8, 2019 (Martes): Huwag kang matakot na lumayo sa iyong sariling bayan. Sa halip, dapat kang lumayo dahil ang mga suwerte mo ay nasa malalayong lugar.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ibinalik ng langit ang mayaman mong imahinasyon nang sa gayun ay lalo mo pang mapaunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-24-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simplehan mo lang ang buhay mo. Kung ano ang nakikita mo, iyon lang ang paniwalaan mo. Kung ano ang nasa malapit sa iyo, ‘yun lang ang tutukan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-17-25-26-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na maaari kang madaya at ang mandaraya sa iyo ay magsasabi ng mga bagay na mahirap paniwalaan pero, may posibilidad na sakyan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-29-35-43-45.
CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang mga suwerte mo ay mabilis na magdaratingan. May mga magtatangkang hadlangan ang mga ito dahil sila ay inggit na inggit sa iyo. Ito ang mesahe para sa sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-25-28-35-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto ng langit na pagandahin ang buhay mo kaya lang, ito ay maaantala dahil pilit kang humihingi ng suporta sa tao na parang hindi ka naniniwala na langit mismo ang aalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-29-30-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Masyado mong pinagaganda ang mga ideyang labas-pasok sa isipan mo. Humanda ka sa mga imposibleng mangyari dahil mas magandang maging praktikal ka lang sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-20-25-26-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong angkinin ang hindi mo pa hawak. Marami nang nasaktan dahil sa pagiging sobrang positibo. May pagkakataong ang itlog ay hindi nagiging sisiw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-21-25-27-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humingi ka ng payo sa alam mong maraming alam na pormula ng tagumpay. Magtanong ka sa kilala mong taglay ang sikreto ng maligayang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-23-38-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Salubungin mo ang darating na mga araw kung kailan mawawala na ang lihim mong lungkot at mapapalitan ng kaligayahang ipinagdamot sa iyo noon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-24-25-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darating na parang sorpresa ang magagandang bagay na noon mo pa hinihintay. Minsan, mahirap maunawaan ang langit sa pagbibigay ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-20-21-25-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong dayain ang sarili mo dahil ang isa ay isa lang, ang dalawa ay dalawa lang. Ibig sabihin, huwag kang sosobra sa paglalarawan ng mga bagay na dumarating sa iyo Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-18-28-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang tamang panahon para muli mong simulan ang proyektong magpapaunlad sa buhay mo na hindi mo naituloy dahil kulang ka sa tapat at lakas ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-16-28-30-33.




Comments