Fil-Am. first time nag-qualify sa 2020 winter youth olympics
- MC
- Oct 8, 2019
- 1 min read

Isang malaking break sa kanyang career ang dumating kay Fil-AM Ana Noelle Wahleithner nang maging unang Pinay na nagkuwalipika sa 2020 Winter Youth Olympic Games. Ang 16-anyos na si Wahleithner, bunso sa dalawang anak nina Pinay Lady Angela Reynado Wahleithner at James K. Wahleithner, ay nakapuntos sa iba’t ibang International Federation of Skiing (FIS) sanctioned races ngayong taon. Pareho siyang Philippine at American citizen. Ang FIS ay ang sport’s world governing body.
Sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN, binanggit ni Angela Wahleithner kung paano nagkuwalipika ang kanyang anak sa 2020 Winter Youth Olympics na idaraos sa Lausanne, Switzerland sa Enero. “when she turned 15-and-a-half in 2018, she became an athlete registered under the Philippines with an FIS license. She became the youngest female alpine skier to represent the country and the license allows Ana to race in international competitions,” ani Angela Wahleithner na tubong Davao City.
Ang unang international alpine skiing competition ni Ana na nilahukan ay sa Cardrona, New Zealand noong Hulyo 2018 naging daan niya upang katawanin ang Pilipinas sa 2019 Alpine Skiing Junior World Championship (JWC) noong Pebrero sa Val Di Fassa, Italy.





Comments