top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis daw, gagawin lahat mapasaya lang siya at never sasaktan… Vice, todo-kilig sa wedding vows ni

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Samantala, marami ang super-kinilig habang suma­sakit ang tiyan sa katatawa dahil sa kilig or should I say “wedding vows” moment nina Vice Ganda at Ion Perez habang inaalaska ng mga co-hosts na sina Ryan Bang at Vhong Navarro sa segment na Kapare­Who ng It’s Showtime noong Sabado (Oktubre 5).

Ang siste, kunwari, si Vice ang humahanap ng kapareha, kaya pinapunta siya nina Vhong at Ryan sa kabila para hindi niya makita ang hitsura ng hahawak sa kamay niya habang bina­banggit ang wedding vows.

Inilusot ni Vice ang kamay niya at ang “kalawhok” ang hu­mawak nito kaya naman ta­wang-tawa ang mga televiewers at ma­kikitang kilig na kilig ang Unkabogable Star lalo na nang magsalita si Ion Perez.

Sabi ni Ion sa wedding vows kay Vice, “Ahh, ipinapangako ko sa ‘yo, hindi ko man maibibigay sa ‘yo ‘yung mundo pero… gagawin ko ang lahat para mapasaya ka… mapaligaya ka at higit sa lahat, iingatan ko ang damdamin mo. Hindi ako papayag na masaktan ka. ‘Yun lang, mahal na mahal kita…”

Abot-langit ang ngiti ni Vice sa mga sinabi ni Ion habang may humihimas ng kamay niya kaya naman humirit sina Vhong ng “Kiss, kiss, kiss!!!” at may humalik sa kamay ni Vice na talaga namang parang nawala sa katinuan ang Unkabogable Star!

Ang buong akala ni Vice ay si Ion ang humihimas ng kamay niya at ang humalik dito, pero matapos mapanood ang video na kuha ni Vhong sa pang-ookray nila sa kanya ay nakita ng Unkabogable Star na ang “kalawhok” pala ang may hawak ng kamay niya gayundin ang humalik dito. Inis na inis si Vice kay Vhong at sa kalawhok.

Sabi ni Vice, “Kinilig pa man din ako. ‘Yun ang masakit, eh, ‘yung kinikilig ka na, tapos malalaman mo, huwad pa­la… Pinaasa n’yo lang ako…”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page