top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagpupu sa harap ng madlang pipol, senyales na magbawas ng mga sobra sa buhay para pumasok ang suwer

  • Socrates Magnus
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kirs ng Kris_Zandrah@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na dumudumi raw ako sa toilet bowl kahit nasa harap ako ng maraming tao. Noong nakaraang buwan, napanaginipan ko na ito, tapos pagkalipas ng ilang araw, ganu’n ulit ang panaginip ko. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Kris

Sa iyo Kris, Ang mga panaginip ay nagtuturo ng pormula ng tagumpay. Kaya sa totoo lang, hindi na kailangan ang nauusong life coaches at kaunti lang ang nakukuha ng mga tao sa mga seminar tungkol sa pag-asenso. Malalaking halaga ang nagagastos sa mga ito at kung susuriin ay wala namang nagbabago sa buhay ng tao dahil nadaragdagan lang nang kaunting kaalaman, pero hanggang doon lang dahil hindi naman nagbago ang buhay.

Mas magandang ang pag-aralan ng tao ay ang kanyang mga panaginip dahil mismong panaginip ang nagpapayo ng angkop sa kanya at kapag sinunod ay iisa lang ang magiging resulta, gaganda ang kanyang buhay.

Tulad ng panaginip, ibinibisto nito ang pormula ng pagpapayaman na maaaring hindi mo pa narinig sa mga tagapayo.

Magbawas ka. Oo, iha, sa buhay ng tao, kailangan niyang magbawas at ang ibabawas ay ang mga hindi na niya kailangan. Kapag nagbawas, magkakaroon ng espasyo at kapag may espasyo, puwede nang pumasok ang mga suwerteng matagal nang gustong dumapo sa tao.

Anu-ano ang iyong puwedeng ibawas sa buhay mo?

  1. Ang mga damit na kahit sobrang ganda ay ipamigay mo na.

  2. Ibigay mo ang pera mo sa higit na nangangailangan. Hindi lahat ng pera mo, pero ibig sabihin, huwag kang magdamot.

  3. Magbawas ka rin ng kinakain mo, kumbaga, kung nakakadalawang pinggan ka, isa na lang.

  4. Magbawas ka ng luho sa katawan.

  5. Magbawas ka rin sa gastusin mo, lalo na ang paggastos sa mga walang kuwentang bagay.

  6. Alisin mo rin sa buhay mo ang mga taong walang silbi sa iyo.

  7. At higit sa lahat, bawasan mo ang iyong hindi magagandang katangian.

Sa ganito,iha, matutulad ka sa mga punongkahoy na kapag nabawasan ang mga dahon ay nananariwa at nagiging mas mayabong.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page