top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Knights at Tigers, pahahabain pa ang liderato sa lakan-Cup

MC
Oct 7, 2019
1 min read

Sisikaping palawigin ng San Juan Knights at Davao Occidental Tigers ang kanilang liderato sa kani-kanialng dibisyon sa sandaling makaharap na ang kani-kanilang mga kasagupa ngayong Lunes sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season, na unang idaraos sa Batangas State University gym.

Makasasagupa ng Knights ang South division pacesetters ang Batangas City Athletics sa 8:30 p.m. habang ang Tigers, ang North division frontrunners, ay lalaban sa Bulacan Kuyas ng 4 p.m. opener.

Babanat din sa 6:30 p.m. clash ang Mindoro Tamaraws at ang Imus Bandera. Hawak ang league-leading 15-1 record, paborito ang Knights, ang MPBL Datu Cup champions kontra sa Athletics, ang MPBL Rajah Cup titlist na may hawak na 10-5 panalo-talo sa South Division.

Ibabalandra sina Chief gunner John Wilson, veteran Larry Rodriguez, young stars Mike Ayonayon at maging si Jhonard Clarito ng Knights para sa kanilang kampanya kontra sa Athletics na aasahan ang tikas nina Jeff Viernes, Jason Melano, Val Acuna at Jhaymo Eguilos.

Sa hawak nilang 14-2 card, pinapaboran ang Tigers kontra Kuyas (9-6) na pakay ang 8th at last spot sa North playoffs ng 31-team ng MPBL.

Ang bakbakang Mindoro-Imus ay kinokonsiderang toss-up dahil ang parehong team ng South division ay nasa ilalim ng standings.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page