top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kasama sa homily… Serye ni Alden, ineendorso ng mga pari

  • Nitz Miralles
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

Naiintindihan ng mga supporters ni Alden Richards kung hindi muna siya lumalabas sa Sunday Pina­Saya at kung every Saturday na lang muna yata siya sa Eat...Bulaga!. Naka-focus kasi ang aktor sa taping ng The Gift na this Monday, papasok na sa fourth week ng airing.

Worth it naman ang sakripisyo ni Alden na hindi muna maging visible sa SPS at Eat...Bulaga! dahil maganda ang feed­­back ng viewers sa The Gift at pati casual viewers, tumututok na sa serye.

Masaya at nagpapasalamat si Alden ‘pag nakakabasa na ‘yung mga hindi naman Kapuso viewers ay naging Kapuso na dahil sa The Gift.

May nabasa pa siyang hindi mahilig manood ng teleserye, pero dahil sa The Gift, nakatutok na siya sa telebisyon dahil ayaw ma-miss ang mangyayari sa karakter niyang si Sep at ng iba pang karakter na minahal ng mga viewers.

Matutuwa pang la­lo si Alden ‘pag nala­mang may mga pari na sina­sabi sa kanilang mga parishioners na pano­orin ang The Gift dahil sa ma­gan­dang mensahe at mga aral na ma­tutu­tunan dito.

Si Director LA Madri­dejos at ang mga writers ng soap ang mga binanggit na rason ni Alden kung bakit ma­ganda ang kanyang ser­ye. Binabasa pa lang ni Direk LA ang script, naisip na agad kung paano kukunan ang eksena. Big help din na pina­payagan ni Direk LA ang cast na mag­bigay ng input.

Kaya sabi ni Alden, isa ang The Gift sa most collaborative na nagawa niya at nabang­git niyang ‘yung ekse­­nang natabig niya ang baso sa mesa dahil bulag na siya, idea niya at positive ang feedback noon sa mga viewers.

Kahit hindi napa­pa­no­od sa SPS at Eat... Bula­ga!, may time pa rin si Alden to reach out to his fans dahil ang dami niyang events at isa rito ang pagdalo sa Eduk­Circle Awards kung saan isa siya sa Most Influential Celebrity Endorser of the Year.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page