top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Susuwertehin sa pag-a-abroad kung magsusuot ng yellow tuwing nag-a-apply at pagagandahin ang pirma

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro, Nagtatrabaho ako bilang tindera at masungit ang amo ko, gayundin maliit ang suweldo ko. Gusto ko nang umalis dito at mag-apply bilang OFW sa Kuwait. May pag-asa ba akong makapag-abroad at kung mayroon, kailan kaya ito matutupad? September 1, 1987 ang bitrhday ko.

Umaasa, Ms. Virgo ng Baclaran, Parañaque City

Dear Ms. Virgo, Tama ang plano mong mag-apply sa ibang bansa kaysa magtiis ka sa amo mong masungit at nagkataong kuripot pa dahil maliit pang magpasuweldo.

Ganito ang gawin mo kapag nag-apply ka sa abroad. Ayon sa birth date mong 1, kapag nag-apply ka, palagi kang magsuot ng damit na dilaw upang magkaroon ka ng paborableng kapalaran at sa halip na tapusin ang iyong lagda sa pasubsob at pababang direksiyon, makabubuting gawin mong paitaas ang ending ng iyong pirma.

Sa palaging pagsusuot ng kulay na dilaw at pagpapaganda ng iyong lagda, makikita mo, habang nag-a-apply ka sa abroad ay may paborableng pangyayari na magaganap sa iyong karanasan.

Likas kang magiging mapalad tuwing sasapit ang ika-19 ng Abril hanggang sa ika-10 ng Hunyo, mula sa ika-19 ng Agosto hanggang sa ika-10 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-28 ng Enero.

Kung ipalalamuti sa silver na singsing ang batong sapphire, magsisilbing talisman mo ito dahil ito ang hihigop ng karagdagang suwerte at magandang kapalaran.

Sa mga paraang nabanggit, sa sandaling nasunod mo ang mga ito, sa susunod na taong 2020 at sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page