top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Parks, bida sa first win ng Elite, hinagupit ang Fuels

ATD
Oct 6, 2019
2 min read

Nakasilo rin ng panalo ang Blackwater Elite matapos nilang kalusin ang Phoenix Fuelmasters, 107-98 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center, Antipolo City.

Kumayod si rookie Bobby Ray Parks Jr. ng 21 points upang ilista ang kanilang unang panalo matapos ang dalawang sunod na pagkakadapa. Bukod kay Parks, apat pang Players ng Meralco ang umiskor ng 10 pataas.

Tumipa si Carl Bryan Cruz ng 16 pts. tig-14 puntos sina Michael Vincent Digregorio at Roy Sumang habang inirehistro ni import Marqus Blakely ang 13 markers.

Ipinaramdam ng Elite ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 10-point-lead 51-41 sa halftime. Pumalag sa third quarter ang FuelMasters, natapyasan nila sa apat ang hinahabol, 69-73 papasok ng 4th. Pero hindi na pinalapit ng todo ng Elite ang Phoenix, humarurot sila sa payoff period upang masiguro ang panalo at ilista ang 1-2 card.

Samantala, magtatapat ang dalawa sa tigasing defensive teams na Meralco Bolts at Phoenix FuelMasters ngayong 4:30 p.m. sa Araneta Coliseum. Muling kakapitan ng Bolts sina local Baser Amer at import Allen Durham upang masilo ang pangalawang sunod na panalo at manatili sa loob ng top 4.

Galing sa panalo ang Meralco, tinambakan nila ang Alaska Aces, 101-75 matapos magtala sa opensa sina Amer at Durham ng tig-27 at 25 markers ayon sa pagkakasunod. “So we just got to continue to play solid defense. We always talk about Meralco being a defensive team, but last game against NLEX we did not play very good defense. We gave up 15 three-point shots,” saad ni Meralco head coach Norman Black. “So we really wanted on trying to establish ourselves as a good defensive team.”

Aminado si Black na matibay ang depensa ng Fuel Masters lalo na’t ginagabayan sila ni coach Louie Alas.

May kartang 2-1 ang Bolts habang 1-3 ang record ng FuelMasters. Magkakalusan sa pangalawang laro ang Alaska at Magnolia sa 6:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page