Mga nurse, nakatikim sa anak ni Marjorie… Baby ni Dani, muntik nang mamatay sa ospital
- Ronalyn Seminiano
- Oct 6, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Speaking of Dani Barretto, kamakailan lang ay nag-upload siya ng “birth story” vlog niya sa social media at nag-sorry siya sa mga nurses ng ospital kung saan ipinanganak niya ang first baby nila ng asawang si Xavi Panlilio na si Millie.
Ikinuwento ni Dani ang mga pinagdaanan nila ni Baby Millie, “Nagkaro’n ng moment, mga 12:30, they already, they were, napunta sa point na ‘yung heartbeat ni Millie, bumaba ng 80 so that’s very, very low. Tapos at one point nag-40, tapos nagkaro’n ng time na nag-flatline siya. So, nu’ng nag-flatline siya, I flipped out. Parang ang bilis ng emotions ko nu’ng time na ‘yun. As in, sinigawan ko silang lahat. I’m so sorry sa lahat ng nurse ng St. Luke’s OB complex, I’m so sorry for doing that. But it was just really, nu’ng time na ‘yun, nu’ng nakita ko na nag-flatline ‘yung heartbeat niya tapos hindi nila mahanap ‘yung heartbeat niya, sumigaw na talaga ako ng ‘Get her out’ as in ang lakas and mind you, ang tahimik sa OB complex.”
Siyempre, buhay ng baby niya ang iniisip niya bilang ina.
Sinabi rin ni Dani na normal ang posisyon ni Baby Millie kaya normal delivery ang nasa isip niya, pero dahil sa nangyari ay kinailangan niyang mag-undergo ng emergency C-section.
Umani ng napakaraming komento ng mga netizens ang vlog ni Dani about her delivery.
Sey ng mga netizens, “I’m pregnant and maselan ang pagbubuntis ko. But every time na nag-a-upload ka ng videos mo about sa journey mo sa pagbubuntis hanggang sa manganak ka, naiibsan ‘yung kaba ko at paghihirap ko sa pagbubuntis. You’re a brave girl! Super cute, Millie!”
“Such a strong woman. Kudos to you, Ms. Dani.”
“Mother’s instinct! ‘Take her out!’ Thank God, Millie came out alive & both of you are safe and recovering well. Congrats Dani & Xavi!”





Comments