top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matagal nang patay na tatay, napanaginipang minimisahan sa Baclaran Church

  • Socrates Magnus
  • Oct 6, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Chiles ng Chiles_Chavez@facebook. com

Dear Professor, Gusto ko sanang itanong kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Matagal nang patay ang tatay ko, nanaginip ako na nasa Simbahan kami ng Baclaran at nandu’n ang ataul niya at minimisahan dahil libing niya. Salamat!

Naghihintay, Chiles

Sa iyo Chiles, Araw-araw, ipinagdarasal ng mga pari at mga nagsisimba ang mga namatay na kaya lang, ang mga tao ay oo lang nang oo sa sinasabi ng pari kahit hindi nila iniintindi ang kanilang mga naririnig.

Kaya kapag ang panalangin ay para sa mga namatay na, patay-malisya lang ang mga nagsisimba.

Buti na lang, si God ay walang hanggan ang pang-unawa kaya kahit ganu’n ang mga tao ay okay lang sa Kanya.

Sabi ng panaginip mo, mag-alay ka ng prayers para sa tatay mo at sa Baclaran ka magsimba. Gawin mo ito para magkaroon ka ng sapat na tapang at lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran.

Gayundin, ayon sa panaginip, pinanghihinaan ka na ng loob, naduduwag ka pa at nawawala ang tibay ng iyong damdamin at ang iyong katatagan ay unti-unting naglalaho.

Dahil ang mga tatay ang haligi ng tahanan, kapag nawala ang haligi, ang bahay ay babagsak. Para hindi tuluyang bumagsak ang iyong tapang at lakas ng loob, ngayon mo kailangan ang tapang at lakas ng loob ng iyong mapagmahal na ama.

Kaya sabi ng panaginip, gawin mong inspirasyon ang magagandang alaala ng iyong ama upang kahit wala na siya ay hindi ka mabigo sa iyong mga pangarap.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page