7 Pinoy surfers, Q’finalist na sa 25th Siargao Int’l Cup
- MC
- Oct 6, 2019
- 2 min read

Pitong Pinoy surfers ang nagpakita ng pormang world class sa naturang larangan at pakabugin ang mga katunggali pagpasok sa quarterfinals ng 25th Siargao International Surfing na dinumog ng mga manonod sa pamosong Cloud 9 Surfing Club sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Napagwagian nina John Mark Tokong, Kent Brian Solloso at Carlito Nogralo ang kani-kanilang heats upang pamunuan ang Pilipinas sa torneo na sanctioned ng World Surf League.
Ang mga top surfers mula sa 20 mga bansa ay nakipagtunggali rin sa event na inorganisa ni Siargao Representative Bingo Matugas at suportado ng Surigao del Norte sportsman Francisco “Lalo’’ Matugas. “The event will give our local surfers much-needed exposure and will help them earn points to qualify for the Olympics. Surging is a sport in which our locals can excel. With proper training and funding, our surfers can help us clinch an Olympic medal,’ ayon kay Matugas. Idinagdag pa niya pa,“considering that this is the 25th anniversary of the event, we would like to make the event grand and memorable and Globe’s valuable support will surely ensure the competition’s success.’’
Umabanse rin sa sumunod na round ang local bets na sina PJ Alipayo, Christian Araquil, Neil Sanchez at Jay R Esquivel , na tumapos na pangalawa sa kani-kanilang heats. Isinalarawan nina World Surf League Asia General Manager Steve Robertson at operations manager Gerry Degan ang event na pantastiko at ito na ang pinakamalaking international surfing event sa bansa.
Pinuri rin ni Robertson ang perpektong kondisyon ng alon at aniya ang Siargao ang may pinaka-perpektong alon sa buong mundo. ‘‘The level of competition is extremely high,’’ ayon sa 35-anyos na si Robertson, na noong nasa Australia pa lamang siya ay naririnig na niya ang ganda at karisma ng Siargao. Sinuportahan din ni Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez ang event kung saan kumatawan sa kanya si PSC Commissioner Ramon Fernandez sa formal opening ceremony.
Ang mga paboritong umabanse sa q’finals ay sina McCullough ng U.S., Australians Duke Nagtzaam, Dylan Moffat, Thomads Cervi at Harley Ross; Kenta Ishikawa at Jin Suzuki ng Japan, Daniel Farr at Elliot Reed ng New Zealand, Pablo Montero ng Spain, Santiago Muniz ng Argentina,Noash Beschen ng Hawaii at Israel Barona ng Ecuador.





Comments