19-anyos, nabuntis pero ayaw magpakasal sa BF kahit oks na sa mga magulang
- Roma Amor
- Oct 6, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Kriz, 19-anyos. Namumroblema ako sa sitwasyon ko ngayon dahil gusto na akong ipakasal ng mga magulang ko. Nabuntis ako ng BF ko pero, ayaw kong magpakasal sa kanya dahil ngayon pa lang ay hindi na kami magkasundo. Ayaw kong lumaki ang magiging anak ko na nakikitang away nang away ang mga magulang niya. Ano ang maipapayo ninyo sa akin, Roma? —Kriz
Kriz, Hindi madali ang sitwasyon mo dahil sa murang edad ay malaking responsibilidad ang kahaharapin mo. Kung buo na ang desisyon mong huwag magpakasal, subukan mong kausapin ang parents mo at ipaliwanag ang iyong opinyon. Sa ganyang sitwasyon, ikaw ang dapat masunod dahil magiging magulang ka na.
Anuman ang mangyari, siguradong susuportahan ka ng mga magulang mo. God bless!





Comments