Programa para malabanan ang malnutrisyon, lilibot sa buong bansa
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Hindi pa rin matapus-tapos ang problema sa malnutrisyon sa ating bansa. Ilang taon na rin tayong nakararanas ng “Double Burden of Malnutrition” at isama na rin ang mga overweight, obesity at diet-related non-communicable diseases.
Kaya naman, nakipagtulungan ang Ajinomoto Philippines Corporation (APC) sa Department of Health (DOH) at Food and Nutrition Research Institute (FNRI) para mabawasan at matuldukan na ang malnutrisyon sa ating bansa at ito ay inumpisahan na sa Cainta. Ang programang ito ay tinawag na Mag-Pinggang Pinoy Tayo! 2019 na pinangungunahan nina Technical Working Group (TWG) Chairman Dr. Ethelyn P. Nieto, Cainta Mayor Johnielle Kieth Nieto, Cainta Vice-Mayor Ace Bernardo Servillon, DOH CALABARZON Division Chief Dr. Noel Pasion, FNRI Science Research Specialist II Ms. Jovina B. Sandoval at APC Group President Tsutomu Nara.
Ang programang ito ay nagkaroon na ng pilot run noong 2018 kasama ang ilang government agencies para ibahagi ang kaalaman at i-promote ang practice ng Pinggang Pinoy sa pagpuksa ng malnutrisyon. Ito ay naumpisahan na sa Quezon City, Caloocan City, Malabon, Navotas at ngayong taon, sa Cainta naman palalaganapin ang ganitong practice.
Ibinahagi ni TWG Chairman Dr. Nieto na inumpisahan na niyang makipagtulungan sa 4 institutions para ma-develop ang homemakers, barangay health workers at barangay nutrition scholars para sa pangangailangan ng assessment.
Maigting din ang pakikipagtulungan ng mga namumuno sa Cainta para mapalaganap sa kanilang mamamayan ang magandang gawain para malabanan ang malnutrisyon. Ibinahagi ni APC President Tsutomu Nara na umpisa na ito hindi lang sa Cainta kundi sa buong Pilipinas na palaganapin ang magandang kalusugan at mapayapang pamumuhay.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Mag-Pinggang Pinoy Tayo!, bisitahin lamang ang kanilang website sa www.ajinomoto. com.ph o sa kanilang Facebook page sa facebook.com/CookmunitybyAjinomotoPH.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments