Nadine, out! Nancy ng Momoland, bagong babae ni James
- Ronalyn Seminiano
- Oct 5, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kasabay ng opisyal na pag-alis ni James Reid sa Viva Entertainment, nakatakda nang simulan ang proyektong iniluluto para sa kanya sa bago niyang home studio at in fairness, hindi basta-basta ang makakasama niya sa bago niyang teleserye. Ito’y ang miyembro ng sikat na Korean group na Momoland, walang iba kundi si Nancy Jewel McDonie!
Ang Dreamscape Entertainment headed by Deo Endrinal ang nag-aayos ng teleseryeng pagbibidahan nina James at Nancy at kinumpirma niya ito sa Instagram post.
Astig si James at for sure, maraming maiinggit sa kanya dahil isang pinapantasya ng masa ang makakasama niya.
Si Nancy ay half-South Korean-half-American. Oh, ‘di ba, pareho silang half-half ni James dahil Filipino-Australian naman ang BF ni Nadine Lustre?
Naku, Nadine, bantayan mo ‘yang si James lalo pa at Soulmate ang title ng pagtatambalan nila ni Nancy at si Direk Antoinette Jadaone pa ang magdidirek na alam nating magaling magpakilig.
“Finally, we present our new series, Soulmate, with James Reid & Nancy McDonie of Momoland, to be directed by Antoinette Jadaone,” ang kumpirmasyon ni Deo sa IG.
Samantala, isa rin si MJ Felipe ng ABS-CBN News sa mga nagbigay ng kumpirmasyong isa nang ganap na Kapamilya si Nancy.
“JUST IN: ABS-CBN and MLD Management ink partnership and co-management over Korean girl group Momoland’s line up of projects with the Kapamilya network including a travel TV series where they will tour the beautiful places in the Phils.”
Umani ito ng napakaraming reaction ng netizens dahil siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat na ang isang napakagandang K-pop idol ay magiging certified Kapamilya?
Ilan sa mga comments ng mga netizens ay, “Thank you ABS-CBN. Mas lalong napalapit ang Momoland sa aming mga Merries. Best decision ever! MOMOLAND is now a KAPAMILYA.”
“Excited much I’m a fan of Momoland especially Nancy. Good luck, James and Nancy.”
“Their chemistry is like Descendants of the Sun ang dating, Bomb!”
“Sana naman, hindi ito ang maging katapusan ng JaDine.”
Samantala, ang target release ng teleseryeng Soulmate ay sa January, 2020.





Comments