top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Makakapag-asawa pa rin kahit hindi manligaw, magkakaroon pa ng kabit

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 5, 2019
  • 2 min read

Katanungan

  1. Sa edad kong 32, hanggang ngayon ay wala pa rin akong girlfriend. Ilang Pasko at Valentine’s Day na akong mag-isa.

  2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkaka-girlfriend kaya ako kahit hindi ako marunong manligaw? Nakakita ako ng dalawang Marriage Line sa mga palad ko, ibig sabihin ba nito ay dalawang beses akong magkakaroon ng masayang pakikipagrelasyon?

  3. Kung tama ang nakikita ko sa aking mga palad, kailan kaya ako magkaka-girlfriend at siya na kaya ang mapapangasawa o makakasama ko, habambuhay?

Kasagutan

  1. Kapag kapalaran ang pinag-uusapan, kahit hindi ka manligaw ay magkaka-girlfriend ka pa rin at ang unang magiging girlfriend mo ay posibleng siya na rin ang mapangasawa mo, ayon sa mahaba, makapal at kitang-kitang unang Marriage Line (Drawing A. at B.1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ngunit, magtataka ka at marahil ay maitatanong mo kung ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) ang iyong mapapangasawa, ano ang ibig sabihin ng ikalawang mas maikli at hindi gaanong malinaw na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad?

  3. Ito ay nagpapahiwatig na kahit may girlfriend o asawa ka na, magkakagusto ka pa rin sa ibang babae at kapag hindi mo iyon napigilan, posibleng patulan mo ang babaeng ito kahit may asawa ka na.

  4. Subalit, halimbawang may dumating nga, dahil maikli at hindi malinaw ang ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ang pansamantalang relasyon na hindi magtatagal, sa halip, higit mong mapananatili at magiging panghabambuhay ang pakikipagrelasyon mo sa iyong legal na asawa.

  5. Makikipagrelasyon ka sa ibang babae upang maranasan ang pagkakaroon ng “other woman”. Kapag nalaman mo na hindi maganda at masaya ang pambababae, kusa kang kakalas sa ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na sumisimbolo ng iyong “number two”. Tulad ng naipaliwanag na, panandalian lang ito at sa bandang huli ay mananatiling maayos at masaya ang iyong pamilya.

Dapat Gawin Habang ayon sa iyong mga datos, Elmer, napakapalad mo dahil kahit hindi ka manligaw, ngayong kapaskuhan ay darating ang babaeng may zodiac sign na Scorpio at siya na ang magiging una mong girlfriend at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2021 sa buwan ng Hunyo o Hulyo, sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page