Didal, uubos ng lakas para maka-podium sa SEAG

Susubukan ng pambansang koponan ng skateboarding na dominahin ang events sa 30th Southeast Asian Games sa pangunguna ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal.
Malaking motibasyon ang naibibigay ng 20-anyos na Cebuana skater dahil sa patuloy na pagiging parte nito ng top-20 Women Skateboarder sa buong mundo. Ayaw munang pangunahan ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendigoria ang bilang ng hahakuting medalya ng National Team, ngunit optimistiko ito na pupukpok ng husto ang koponan lalo pa’t gaganapin sa Pilipinas ang biennial meet na magbibigay ng karagdagang puwersa sa skaters’ ng bansa.
“Definitely our chance our big, more importantly our athletes will be having an additional boost in front of their kababayans,” wika ng skateboarding chief. “It needed a lot of hard work to attain this vision coming the SEA Games,” dagdag nito.
Inaasahang maibubulsa ng Cebuana Pinay Skater ang isa sa walong gintong nakalaan sa biennial meet, habang kasalukuyang nasa ika-13 puwesto sa world rankings at umaasang makapapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa 2020.
Bukod kay Didal, makakasama rin nito ang pinaghalong fresh local at international skaters na sina Jericho Francisco, Christiana Means at Fil-German Daniel Ledermann, habang may 7 pang skaters ang lalahok sa SEA Games simula Dis. 3-8 sa Tagaytay. “We have a complete line-up but we’re still holding it para hindi malaman agad ng mga kalaban natin sa ibang bansa. But they are prepared,” sambit ni Mendigoria.





Comments