top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Sinibak sa trabaho dahil sa bintang ng kostumer takot magreklamo

  • Roma Amor
  • Oct 4, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Mateo, 24 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil natanggal ako sa trabaho dahil sa customer na hindi makapaghintay ng delivery ng make-up na binili niya sa shop namin. Ganito ang nangyari, pumunta siya sa kumpanya para kunin ang kanyang order at sinabi niya na pinapunta ko siya roon kahit hindi naman talaga. Ang nakalulungkot pa ay halos tatlong taon na ako sa kumpanya, pero hindi nila pinakinggan ang panig ko at sinibak ako sa trabaho. Hinihikayat ako ng pamilya ko na mag-file ng reklamo, pero wala akong lakas ng loob. Ano ang dapat kong gawin? – Mateo

Mateo, Una sa lahat, hindi makatarungan na tinanggal ka sa trabaho nang walang tamang proseso, lalo na kung walang katotohanan ang ibinibintang sa iyo. Huwag kang matakot magsampa ng reklamo dahil karapatan mo ‘yan bilang empleyado. Gawin mo kung ano ang tama para hindi na ito maulit sa iba pang empleyado. Kaya mo ‘yan! Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page