top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bangis ng Wang’s Ballclub pipiliting ibalik ni Tolentino

  • MC
  • Oct 4, 2019
  • 2 min read

Tiwala si multi-titled coach Ato Tolentino na maibabalik niya ang sigla sa basketball ng Wang’s Ballclub sa darating na PBA D-League at iba pang mga liga.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Tolentino, na mas lalong din kilala bilang “Mr. Hotshot” noong naglalaro pa siya sa PBA, na magbabalik siya bilang head coach ng Wang’s Ballclub.

Pinalitan ni Tolentino ang nasibak na coach na si Pablo Lucas, na na-banned for life sa National Basketball League (NBL).

“Naniniwala naman ako sa kakayahan ng team, sa pamumuno ni team owner-manager Alex Wang. Kung susuwertithin, baka mag-champion din tayo sa PBA D-League,” pahayag ni Tolentino sa kanyang pagdalo sa 42nd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon.

Siya rin ang naging coach ng Philippine Christian University nang magkampeon sa NCAA laban sa University of Perpetual Help noong 2004.

“Kung dati, hindi naging maganda ang kampanya ng Wang’s Ballclub sa PBA D-League, siguro ngayon makababawi na kami ng husto,” dagdag niya nang dumalo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association kasama si PCU assistant coach Darryl Fontanilla.

Mas palalakasin ang Wang’s Ballclub sa tulong ng mga piling players mula sa PCU.

“Marami kaming magagaling na players sa PCU. Batak na ang mga ito sa laban kaya siguradong malaki ang maitutulong sa Wang’s Ballclub,” pagtitiyak pa ni Tolentino. Bukod sa limang titulo sa NAASCU ni Tolentino ay umakyat din sa kampeonato ang University of Manila Hawks mula 2001 hanggang 2005, nagbigay din ng titulo sa PCA sa NCAA noong 2004.

Nabigyan din ni Tolentino ang UM ng tatlong National Inter-collegiate Championships at isang Asian University Championship.

Ilan sa mga sikat na players na na-mentor ni Tolentino sina Paul “Bong” Alvarez, Zandro Limpot, Nelson Asaytono, Eugene Quilban, Joseph Pelaez, Biboy Simon, Banjo Calpito, Chris Bolado, Joel Dualan, Leo Avenido, Reynel Hugnatan, Jovy Sese at Jason Castro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page