top of page

14-anyos patay, si kuya, delikado rin... 2 Anak na tinurukan ng dengvaxia walang permit ng mga magul

  • Daing Mula sa Hukay
  • Oct 4, 2019
  • 6 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

Pao Chief Persida Acosta / Daing mula sa hukay hustisya

Tila kambal na kal­baryo ang pina­ngangam­ba­hang pagdaanan ng pa­milya Deang. Ang mag-asawang Jer­win at Dina L. Deang ay may labing-apat na taong gulang na anak na si Joan at kama­matay lang niya noong nakara­ang buwan. Abut-abot ang dasal ng mag-asawa na iligtas sa kapa­re­hong kapa­laran si Danny Boy, nakatatandang ka­patid ni Joan.

Ang mag-asawang Jer­win at Dina ay katulad ng mga magulang na higit sa isang anak ang naturukan ng Dengvaxia at namatayan matapos mabakunahan at ang ibang anak na naturukan din ay maayos ang kalagayan sa kasalukuyan, subalit, may­roon ding nakikitaan na ng mga sintomas.

Sa ganitong sitwasyon, pinapayuhan ng mga doktor sa Public Attorney’s Office (PAO) ang nabanggit na mga magulang o kaanak na lu­ma­pit sa PAO na alagaan sa mga bitamina at pantulong-medi­kal ang Dengvaxia recipients — lalo na ang mga may sinto­mas na. Sa abot ng aming ma­kakaya at budget allocation na legal naming magagamit sa aspetong ito, nakapagbi­bigay kami ng mga bitamina at basic medicines sa mga ito.

Malaking tulong din sa amin sa gawaing ito ang mga may mabubuting kalooban na sumusuporta sa mga kaso na may kaugnayan sa Deng­vaxia tulad ng mag-asawang doktor na sina Dr. Willy at Dra. Liza Ong. Sa ganitong paraan man lang ay makatu­long kami sa pagsagip sa mga katulad ni Danny Boy nang sa gayun ay maiwasan ang kinatatakutan ng kanilang mga magulang, ang tulu­yang pagbigay ng mga mu­rang katawan sa mabangis na ba­kuna tulad ng yumaong si Joan.

Si Joan Deang ang pang-isandaan at apatnapu’t anim (146) sa mga naturukan ng Dengvaxia na nakaranas ng ilang sintomas na kasama sa common pattern of 4 serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotro­pism, neurotropism & in­crease in severity of dengue disease) na consistent sa Sanofi dec­laration of 4 identified and ex­pected risks in its Submis­sion for Authorization sa Food and Drug Administra­tion (FDA) noong Disyem­bre 22, 2015 at namatay na sumailalim sa forensic exa­mination ng PAO Forensic Team matapos hilingin ng mga pamilya ang serbisyo nila para sa mga pumanaw na biktima. Binibigyan din sila ng libreng serbisyo-legal ng aming tanggapan sa pa­ngunguna ng inyong lingkod bilang kaukulang aksiyon sa idinudulog nilang kahili­ngan.

Si Joan na nama­tay sa isang ospital sa Tar­lac ay na­tu­rukan ng Deng­vaxia sa kanilang paaralan sa Tarlac City. Ang una ay noong Mar­so 30, 2016, na­sundan noong Ok­tubre18 ng pare­hong taon at pa­­­ngat­lo ay noong Hunyo 14, 2017. Ma­tapos ang tat­long (3) bakuna ng Deng­vaxia kay Joan ay na­ging maayos ang kan­yang kalusu­gan.

Subalit, noong Agosto 17, 2019 ay na­pansin ng kanyang mga magulang na ligo nang ligo si Joan. Taliwas din sa dating ma­sunuring pag-uugali nito ang biglang pag­tigas ng kanyang ulo noong araw na ‘yun. Nagpatuloy ang pag-uugali niyang ganito pagkalipas ng ilang araw. Ma­liban dito, sa iba’t ibang pet­sa ng Agosto hanggang Set­yembre 2, 2019 ay na­ka­ranas ng torture si Joan bago siya tuluyang bina­wian ng buhay:

1. Agosto 23, 2019 - Nag­kalagnat si Joan at may panahon ding hindi na niya makilala ang kanyang mga magulang. Nagreklamo rin siya ng pananakit ng ulo, ti­yan at mga kasu-kasuan. Ma­sakit din umano ang kan­yang mga paa kapag nagla­lakad kaya kailangan siyang alalayan.

Dahil dito, dinala siya ng kanyang mga magu­lang sa barangay health center sa Tarlac upang pa­ting­nan ang kanyang sitwas­yon. Ayon sa health worker na tumingin sa kanya, may lagnat at pas­ma si Joan. Siya ay nireseta­han ng paraceta­mol at bu­muti naman ang kan­yang pa­kiramdam mata­pos uminom ng gamot.

2. Agosto 24, 2019 - Muling bumalik ang lagnat ni Joan. Hirap din siyang ila­kad ang kanang bahagi ng kan­yang paa. Pinainom ulit siya ng paracetamol subalit, hindi na bumuti ang kalaga­yan niya nang araw na iyon. Nanatili ang masamang kon­disyon niya at ito ay lumala sa mga sumunod na araw.

3. Agosto 27, 2019 - Dahil sa lumalalang kondis­yon ni Joan, dinala siya sa ospital at nagreklamo rin na masakit ang buo niyang ka­tawan. Pagdating sa os­pital ay isinailalim siya sa iba’t ibang pagsusuri at agad si­yang di­nala sa ICU dahil na­hihira­pan siyang huminga.

4. Agosto 28, 2019 - Hindi na makakain si Joan at na-comatose.

5. Agosto 29, 2019 - Walang nagbago sa kalaga­yan ni Joan. Ayon sa doktor, ka­ila­ngan siyang operahan sa ulo dahil nagkatubig ang kan­yang utak. Itinakda ang ope­rasyon niya noong Set­yem­bre 2, 2019.

6. Agosto 30 hanggang Setyembre 2, 2019 - Ma­lala pa rin ang kondisyon ni Joan. Hindi nawala ang ma­taas niyang lagnat at hindi na rin siya nagising. Noong alas-2:00 ng hapon, Setyembre 2, 2019, biglang nahirapang huminga si Joan at lalagyan siya dapat ng tubo pero hin­di pumayag ang kanyang mga magulang. Naging kriti­kal ang kalagayan ni Joan at pagsapit ng alas-3:00 ng ha­pon ay tuluyan na siyang pu­manaw.

Namatay si Joan na hindi nalaman ng kanyang mga ma­gulang ang totoong sanhi ng kanyang kamatayan. Anang kanyang mga magulang: “Noong mamatay ang aming anak ay tinanong na­min ang doktor kung ano ang sanhi ng kanyang pag­pa­naw su­balit, hindi kami na­sagot ng doktor.”

Ang sama ng loob ng mag-asawang Jerwin at Dina ay pinabigat pa ng kawalan nila ng kaalaman at pahintu­lot sa pagbabakuna sa kani­lang mga anak. Narito ang bahagi ng kanilang salaysay:

“Ang aming anak ay na­bakunahan ng Dengvaxia sa paaralan nang wala ka­ming pahintulot. Nalaman namin na nabakunahan siya noong umuwi siya sa bahay matapos ang unang bakuna noong ika-30 ng Marso, 2019. Ayon sa aming anak, binakunahan siya ng gamot kontra dengue sa kanilang paaralan at bago pa duma­ting sa bahay si Joan ay na­una na kaming nasabihan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Danny Boy na siya ay naba­kunahan kontra dengue nang araw ding iyon. Ang pagtu­tu­rok ng nasa­bing ba­kuna kay Dan­ny Boy ay wala ring pa­­hintulot sa amin. Isang (1) be­ses lang si­yang natu­rukan dahil ayon sa kanya ay na­takot na si­yang mag­paturok ulit dahil ma­sakit daw ito.”

Lumabas na naman sa kaso ng magkapatid na Joan at Danny Boy ang kawalan ng impor­mas­yon hinggil sa na­sabing pagbabakuna na na­ra­nasan ng mga ma­gulang ng mga batang Dengva­xia recipients. Ikinokon­si­dera ng mga ma­gulang na kapabaya­an sa parte ng mga kinauuku­lan ang nangyari na hindi pag­papaalam sa kanila na sana ay napigilan pa — na siyang nais nilang gawin kung na­bigyan sila ng pag­kakataon at panahon na malaman ang buong katotohanan sa Deng­va­xia vaccine. Anang mag-asawang Jerwin at Dina:

“Naging pabaya ang mga taong gumawa ng pagbibigay ng Dengva­xia vaccine kina Joan, Danny Boy at sa iba pang mga bata. Hindi nila ipinaalam sa amin na ang aming da­lawang anak ay babakuna­han ng Dengvaxia at hang­gang sa matapos ang pag­babakuna kay Joan ay wala pa rin kaming ka­alam-alam. Kung nabigyan kami ng pagkakataong ma­laman kung ano ang puwe­deng ma­­ging epekto nito sa aming mga anak ay sigura­dong hindi kami papayag na sila ay mabakunahan ng Deng­vaxia, pero, napagka­itan kami nito. Kung hindi na­ba­kunahan si Joan, nabu­buhay pa sana siya ngayon kaya dapat ay may managot sa naging kapabayaang ito. Labis pa ang pag-aalala namin ngayon dahil ang kuya niya ay nabakunahan din. Labis ang pagdarasal namin na biyayaan siya ng Maykapal ng magandang ka­lusugan dahil mahal na ma­hal namin ang aming mga anak at hindi namin ka­kayanin pa kung may ma­samang mangyari sa isa pa naming anak dahil sa hindi nila pag-iingat na pagbaba­kuna ng Dengvaxia.”

Napakasakit sa pamilya Deang ang pagpanaw ni Joan, lalo pa at wala siyang malalang sakit at hindi nag­karoon ng karamdaman na nangailangan siyang dalhin sa ospital bago ang kanyang pag­panaw. Bago nangyari ang pagdala sa kanya sa os­pital, si Joan ay malusog at maliksing bata.

Kinagili­wan din ng kan­yang mga ma­gu­lang ang pagiging maru­nong niya sa gawaing-bahay. Na­ging pa­laisipan sa mga ma­gulang niya ang sanhi ng big­laan niyang pagkamatay. Ito ang dahilan ng paglapit nila sa PAO, sa inyong lingkod at sa PAO Forensic Team. Ang kaso ni Joan ay kasama na ngayon sa mga ipinagla­laban ng PAO sa hukuman.

Mula Agosto 17 hang­gang Setyembre 2, 2019, na­ranasan ng pamilya Deang ang katindihan ng pagsubok na kanilang hinaharap na may kaugnayan sa naturang pag­turok sa dalawang anak nina Jerwin at Dina.

Sa mga bu­wan din ng Agosto hanggang Setyem­bre, 2019, dumaan ang PAO sa matitinding pag­subok na may kaugnayan sa Dengva­xia cases na ipinag­katiwala sa amin ng mga ma­gulang ng mga biktima at pa­mahalaan sa pamamagitan ng direk­tiba mula sa Depart­ment of Jus­tice (DOJ), ang Depart­ment Order No.792 dated Decem­ber 12, 2017 na pi­nir­mahan ni dating DOJ Sec­retary Vitaliano N. Aguir­re II.

Hindi biro ang hinarap naming walang basehang mga akusasyon at pangu­ngutya, ngunit, dahil sa mga kasong katulad ng sa pu­manaw na si Joan, hindi na­min hinahaya­an na magta­gumpay ang mga nagsasa­gawa ng diversio­nary tactics na maagaw ang aming aten­siyon — patuloy ka­ming gu­maganap sa aming mga tung­kulin nang may buong de­dikasyon.

Nawa ay makabawas man lamang ito sa pagka­ba­lisa ng nagpaparamdam na yu­maong si Joan. Mistulang mga panaghoy mula sa hu­kay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page