top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Yaya Dub, kaya kay Arjo ang bagsak… Maine, 'di umubra kay Carlo

  • Mercy Lejarde
  • Oct 3, 2019
  • 2 min read

Sa grand mediacon ng pelikulang Isa Pa with Feelings ay nata­tawang inamin ni Main door, este ni Maine Mendoza na ang isa sa mga mami-miss niya kay Carlo Aquino ngayong tapos na ang shooting nila ng movie ay… “Siguro, ‘yung love-hate friendship namin, hahaha!” na dapat siguro, ‘yun ang maging part 2 ng Isa Pa with Feelings if ever na gagawa sila uli ng pelikula with matching background music na may lyrics that goes… “I love you, hate you, love you, hate you, ‘til the world stops turning…for whatever you do, I never, never want to be in love with anyone but you.”

“Ang makapagbigay ng magandang pelikula ang hangarin namin nina Carlo at Direk Prime Cruz at ng iba pang mga nakasama namin sa movie,” Maine even added when asked kung kaya ba nilang talbugan ang kinita ng Hello, Love, Goodbye ng former (former na nga lang ba now?) love team niya na si Alden Richards at ni Kathryn Bernardo.

Well…well lang daw, oh! Insert smiley, J!

And take note, sa nasabing mediacon ay inamin din nitong si Menggay na crush niya si Carlo Aquino nang mapanood niya ito sa pelikulang Meet Me in St. Gallen.

“Siya po talaga ang gusto kong ma­ging leading man. Kasi noong napanood ko ‘yung movie nila ni Bela (Padilla), ‘yung Meet Me in St. Gallen, talagang ‘yung admiration ko ru’n sa character niya na Jessie, ewan ko noong napa­nood ko siya, parang naging crush ko siya nang slight,” lahad pa niya with matching Broadway smile sabay nakipag-eye-to-eye sa katabi niyang si Carlo.

Oh, ha? Kung nan­­ligaw kaya sa kanya noon si Carlo, ito ang sasagutin niya at hindi si Arjo Atayde?

Kaso nga, hindi na­man nanligaw si Carlo na may non-showbiz girlfriend na rin ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page