Video na nasa Kapamilya Network, kumalat… Paglipat ni Maine sa Dos, hinaharang
- Nitz Miralles
- Oct 3, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

May napanood kaming video ni Maine Mendoza na bumisita sa ABS-CBN. Hindi lang kami sure kung bago o pagkatapos ‘yun ng mediacon ng Isa Pa with Feelings dahil ‘yun pa rin ang damit niya sa pagbisita sa Kapamilya Network.
Saka, natatandaan namin, ang sabi ay sumaglit lang ang dalawa sa mediacon at galing sila sa shooting at babalik din doon.
Ang sabi ng mga fans, unang pag-apak ni Maine sa ABS-CBN ‘yun at may nagbiro na sana ay pagdalaw lang ‘yun at hindi siya lilipat sa Kapamilya Network.
Anyway, masaya ang mga supporters ni Maine sa nakita nila sa video na warm ang pagtanggap ng mga taga-Kapamilya sa Dubsmash Queen. Ang hinihintay nila ay kung magge-guest si Maine sa mga shows ng ABS-CBN to promote the movie na mula sa direction ni Prime Cruz.





Comments