Mister, pinalayas daw sa bahay… Melai at Jason, 6 buwan naghiwalay
Beth Gelena / Bulgary Files

Sa episode ng Magandang Buhay nu’ng Lunes ay nag-celebrate ng 10th anniversary ang mag-asawang Melai Cantiveros (isa sa tatlong hosts ng programa) at Jason Francisco para sa Melason tandem nila nu’ng nasa PBB house pa ang celebrity couple.
Nagbigay ng mensahe si Big Brother kina Melai at Jason.
Matatandaang sa PBB house nabuo ang pag-iibigan ng mag-asawa. Dala nila ang pagmamahalan hanggang sa makalabas na sa PBB house kung saan si Melai ang itinanghal na Grand Winner that time.
Nauwi sa kasalan ang Melason, pero bilang mag-asawa ay dumating ang matinding pagsubok sa kanilang buhay, hanggang lumabas ang balitang naghiwalay ang dalawa at pinalayas umano ni Melai si Jason.
Hindi naman tuluyang hiwalayan ang nangyari dahil binigyan nila ng time ang isa’t isa sa pansamantalang paghihiwalay.
Ayon kay Melai, may magandang naidulot umano sa kanila ang desisyon noong maghiwalay nang anim na buwan. Sinabi naman ni Jason na mas naging matatag ang pagsasama nilang mag-asawa ngayon lalo na raw at inspirasyon nila ang kanilang dalawang anak na babae — sina Mela at Stella.
Ngayon ay hiwalay pa rin naman ang celebrity couple, pero hindi ng bahay kundi sa network na pinaglilingkuran.
Lumipat na si Jason sa GMA-7 samantalang si Melai ay nasa Kapamilya Network pa rin.





Comments