top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya pinalipad pa-Tate… Robin, takot na mapahamak si Mariel 'pag sa 'Pinas nanganak

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 3, 2019
  • 1 min read

Kauna-unawa ang ginawang pagpatol ni Robin Padilla sa isang basher na nag-comment tungkol sa pagpunta ng misis niyang si Mariel Rodriguez sa U.S.A. upang doon isilang ang pangalawa nilang anak.

Magagaling naman daw ang mga doktor dito sa ‘Pinas at may mga mo­dernong ospital, pero bakit kailangan pa raw na dumayo sa Amerika si Mariel at doon manganak?

Habol lang daw ni Mariel na maging automatic US citizen na ang dalawang anak nila ni Binoe kaya lumilipad siya pa-Amerika kapag manganganak na. Naturingan daw na nationalistic si Robin pero sa U.S.A. niya ipinagkakatiwala si Mariel kapag nanganganak.

Well, wala sigurong alam ang nasabing basher kung anu-anong hirap ang dinanas ni Mariel bago siya nabigyan ng isang malusog na anak. Ilang beses din siyang nagkaroon noon ng miscarriage (nakunan) na naging sanhi pa ng kan­yang matinding depression kaya nang mabuntis siya ay todo ang ginawang pag-aalaga ni Binoe dahil maselang magbuntis ang misis at nasa U.S.A ang mommy ni Mariel na mag-aalaga sa kanya bago at pagkatapos niyang manganak.

Ayaw ipakipagsapalaran ni Robin ang buhay ni Mariel at ng kanilang anak kaya sa U.S.A niya pinapu­punta ang misis para ru’n manganak. Kahit sinong asawa, ‘yun din ang gagawin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page