top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Doktora, patok sa WTA

Ding Taboy
Oct 3, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Bibitiwan ngayon ang pitong karera kasabay ng Additional One Win in Group Races na paglalabanan sa Condition at Group Race sa San Lazaro Leisure Park Carmona, Cavite.

Magaganap ang Pentafecta Carry Over – P17,178.03 kasabay ng Winner-Take-All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa Race 1, hahataw ang Condition Race 22 at umpisa ng WTA, pinapaboran ang Princess Mamba at makakalaban ang My Lady Consa, Awat na Boy at Persian Princess.

Sa Race 2, ipinapatok ang Doktora habang ang Smiling Lady at couple entry na Miss Marshall at Trustworthy ang maglalaban sa forecast na simula ng Pick 6. Ipinapatok ang Lady Zip habang makakalaban ang Indelible Quaker, Shining Courage at Classic Gee sa Race 3 kasabay ng Pick 5 event. Labanan sa pagitan ng Baling Rikit, Hayaku Jabez at ET AL sa Race 4 na simula ng Pick 4. Sa Race 5, ipinapatok ang Right as Rain sa Race 5 at makakalaban ang Director’s Dona at Kingwash Linis.

Mahigpit na maghaharap ang mga kalahok na Bitcoin, Marino ng Tanglaw at Toscana sa Race 6. Nakalalamang ang couple entry na Eyeshot at No Regret na makakalaban ang Jacobo’s Magic, Play it Safe sa Race 7 at paratingan sa WTA Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Tips ni Mang Ding: Race 1- Princess Mamba (2) My Lady Consa (7) Race 2- Doktora (2) Smiling Lady (8) Race 3- Lady Zip (3) Shining Courage (4) Race 4- Baling Rikit (4) Hayaku Jabez (5) Race 5- Right as Rain (2) Race 6- Bitcoin (1) Marino ng Tanglaw (2) Race 7- Entry No.3 Jacobo Magic (6) WTA (1-7) 2-7/2/3-4/4-5/2/1-2/3-6/ Pick 6 (2-7) 2/3-4/4-5/2/1-2/3-6/ Pick 5 (3-7) 3-4/4-5/2/1-2/3-6/ Pick 4 (4-7) 4-5/2/1-2/3-6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page