Ardeur, namigay ng brand new car sa 4th Anniversary
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Matagumpay na ipinagdiwang ng Ardeur World Marketing Corporation ang kanilang ika-4 na anibersaryo na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City noong Setyembre 21, 2019.
Maraming miyembro ang pinarangalan kabilang na si Jasper Mendoza bilang kauna-unahang Double Diamond Millionaires Club ng kumpanya. Kinilala rin sa unang pagkakataon ang walong milyonaryo na nahirang bilang unang batch ng prestihiyosong Chairman’s Club kasama ang mga bagong miyembro ng Directors Club. Maraming Business Center Owners din mula sa iba’t ibang lugar ng bansa ang kinilala para sa kategoryang “Top BCO at Best Office”.
Hindi lang ‘yan, namigay din ng brand new Toyota Avanza ang Ardeur at ang masuwerteng nag-uwi nito ay si Rubilyn Runas. Abangan lamang ang iba pang produkto at promo ng kumpanya sa mga susunod na buwan. Ang panibagong taon ng tagumpay ay nakamit dahil sa husay ng pamumuno ng Big 3 na sina Bismarck Turingan (chairman), Arven Valmores (president) at Poj Obien (VP). Tunay ngang ang tagumpay ay makakamit sa sipag, tiyaga at determinasyon na patuloy na pinagsisikapan ng mga miyembro ng Ardeur World.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments