Tomador at todo-patol sa mga kapitbahay binansagang dyowa ng barangay
- Roma Amor
- Oct 2, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Margie, 23, at sa edad kong ito ay nag-aaral pa rin ako. Tulad ng iba, mahilig akong uminom at pumatol sa mga kapitbahay ko. Dahil dito, tinatawag ako ng mga kapitbahay namin na pokp*k at dyowa ng buong barangay. Nanliliit ako sa aking sarili dahil sa mga pagkakamali ko. Ano ang dapat kong gawin? Sana, mapayuhan ninyo ako. – Margie
Margie, Sa panahon ngayon, kahit pinagsisihan mo ang mga pagkakamali mo, hindi mawawala ang mga matang nakatingin sa iyo dahil nakatatak sa kanilang isipan ang iyong nakaraan. Husgahan ka man nila, hindi ito dapat maging hadlang para magbago dahil ikaw ang may kontrol sa buhay mo at hindi sila. Simulan mo ito sa pagtigil sa pakikipag-inuman at magpokus ka sa iyong pag-aaral. Kayang-kaya mo ‘yan. Good luck and God bless!





Comments