top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Pareho sila ng mga girls na marurupok… Tisoy na young actor, todo-enjoy sa pambababae, wa' pataw

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 2, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

May magneto sa mga chicks ang tisoy na young actor kaya marami ang diretsahang nagpaparamdam sa kanya na mga kasamahang artista.

Ma-appeal naman kasi ang young actor kaya minsan, kahit “taken” o may BF na ang babaeng kanyang nakilala, eh, pumapatol pa rin sa kanya.

Lubhang mapagbigay naman ang young actor at kapag natunugan niyang type siya ng girl, pinapatos niya. Nasa edad kasi siya ngayon na kainitan ng kanyang libido. Nag-i-enjoy siya sa atensiyong nakukuha niya sa mga babaeng nagpaparamdam ng pagkagusto sa kanya.

“Matulis” ang bansag sa kanya ng mga katropa niyang aktor. Ang dali-dali niyang makuha at mapaibig ang sinu­mang chicks na magustuhan niya. Ang hindi niya alam, may ilang kasamahang aktor ang lihim na nagagalit na sa kanya. Inaahas daw kasi ni tisoy na young actor ang kanilang mga girlfriends. Hindi siya marunong rumespeto sa mga kasa­mahang aktor. Alam na alam naman daw niya na committed o “taken” na ang type niyang girl, eh, pinopormahan pa niya.

May ilang nagpapayo sa tisoy na young actor na sa halip na ang love life at pambababae ang atupagin, eh, mag-focus siya sa kanyang career. Kung buhay lang ang dati niyang mentor, tiyak na hindi siya kukunsintihin sa kanyang pambababae at pagiging chickboy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page