Gowns na worth P20K at P50K, for sale… Juday, kumantang nabiktima ng mga pekeng buyers
- Vinia Vivar
- Oct 2, 2019
- 1 min read

Nagbigay ng update si Judy Ann Santos sa isinusubasta niyang dalawang gowns na isinuot niya sa Star Magic Ball 2018 and 2019.
“Natapos na ‘yung bidding sa Facebook but gagawa kami ng isa pa uling auction na Facebook Live para mas marami pang maka-participate. We’re just fixing the mechanics on how people could register and join,” pag-i-inform niya nang makatsikahan namin sa presscon ng Starla.
Binanggit din niyang maraming nakikigulo sa bidding na nagbi-bid kunwari pero hindi naman pala totoong bibili.
Sinagot din niya ang sinasabi ng iba na masyado raw mataas ang starting bid ng mga gowns. Ayon sa aktres, ang lahat naman ng pagbebentahan ay mapupunta sa Bantay Bata 163.
“Siyempre, gusto mo naman na malaki agad ang maibibigay mo sa kanila, ‘di ba? Because the gown naman is hindi naman siya mura to begin with. Kumbaga, ‘pag may nakabili nu’ng Oscar dela Renta at P60 (thou), P70 (thou), P80 (thou), my God, napaka-good steal na ‘yun dahil ang mahal ng gown na ‘yun,” sey pa ni Juday.
Ang Oscar dela Renta gown ay isinuot ni Juday noong 2018 ABS-CBN Ball at ang starting bid nito ay P50,000.00. Ang isa pang gown ay gawa naman ni Yong Davalos na may starting bid na P20,000.00.





Comments