top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Awww! Kaya todo-palag… Maine, 'di ma-take na sense of humor lang ang nagustuhan sa kanya ni Carl

Julie Bonifacio
Oct 2, 2019
2 min read

Inamin ni Maine Mendoza na wa­la pa siyang nakukuhang suporta mu­la sa partner niya sa popular Al­Dub love team na si Alden Richards para sa bago at kauna-unahan niyang proyekto with Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings.

“Congratulations,” sabay tawa ni Maine sa mediacon ng Isa Pa With Feelings.

“Ay, kasi, hindi pa naman po showing ‘yung pelikula. Pero before po, nagka­kuwentuhan na rin po kami kung tungkol saan po ang pelikula. Natanong naman niya ako about it. And very open naman po kami sa mga ginagawa naming projects. Napag-uusapan namin. Very happy kami sa success ng isa’t isa,” esplika ni Maine.

Natanong din si Maine sa mediacon ng Isa Pa With Feelings kung ano ang best na maaalala niya kay Carlo after nilang magkasama sa movie.

“Marami,” sambit niya. “Parang hindi ako makaisip ng isa. Pero siguro, pinaka­­maaalala at mami­-miss ko, ‘yung love-hate friendship namin sa isa’t isa. Hahaha!”

Nag-react agad si Maine sa sinabi niya na love-hate relationship nila ni Carlo sa movie, at ni­linaw kung ano ang ibig niyang sabihin dito.

“Hindi naman (may love-hate sila ni Carlo), pero naaliw ako na pa­rang nagpapa­ki­ramda­man kami. May ganoon kaming moments. Tapos, parang nabi­bigyan ng thrill ‘yung characters namin sa mo­vie, and as Maine and Carlo, na pa­rang minsan, ‘Okey ba si­yang biruin? Okey ba siya?’”

Sumagot naman si Carlo at nagpaliwanag din sa love-hate relationship nila ni Maine sa movie.

“Hindi, kasi, grabe rin kaming mag-asaran, kaya ‘yun. Kapag minsan, hindi namin alam, ‘Napikon ba ‘yun or ano? Totoo ba ‘yun?’ Mga ganu’n. Pero naaayos din naman.”

Una sa mga katangian ni Maine na nagustuhan ni Carlo sa pakikipag­tra­baho niya sa Kapuso star ay ang pagka­karoon nito ng sense of humor. Pero pina­lagan agad ‘to ni Maine.

“Sense of humor lang? Hahaha!”

Dumepensa rin naman agad si Carlo sa sinabi niya, “Hindi, ‘yun talaga ‘yun, eh. Maganda, saka mabait.”

Sa pakikipagtrabaho ni Carlo kay Maine, knows niya na maba-bash siya ng mga fans ng AlDub, pero mukhang ‘di naman afraid ang aktor.

“Sanay na naman akong ma-bash,” matapang na sabi ni Carlo.

Anyway, after Carlo, wala pa raw nilu-look forward si Maine sa susunod na magiging leading man niya, bagaman ang daming nag­sasabi at nagri-request sa social media na itam­bal siya kay Daniel Padilla since nag-pair na nga sa movie ang respective love team nila na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

“Wala pa po for now. Pero tingnan na­tin kung sino po roon sa offer na mga proyekto in the future,” pakli pa ni Maine.

Ang Isa Pa With Feelings ay idinirek ni Prime Cruz at co-producer din ang nagma-manage ng career ni Maine, ang APT Entertainment.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page