Pinoy Duathletes, umakyat sa 1-2-3 Finish sa Malaysia

Nakamit ng mga miyembro ng Philippine National Duathlon team ang 1-2-3 finish sa nagdaang The Everly Putrajaya Trifactor International Duathlon 2019 nitong Setyembre 21-22 sa Putrajaya, Malaysia.
Nagawang maitakbo ng dalawang trio buhat sa National Team ang gold-silver-bronze medal sa Men’s at Women’s Elite categories ng pamunuan nina Emmanuel Commendador at Monica Torres ang karera sa naturang event.
Rumehistro si Commendador ng 01:53:27 para sa gold medal habang pumangalawa at pumangatlo si Filipino runners Joey Delos Reyes (01:53:27) at Jarwyn Banatao (01:53:28) na may isang segundo lang ang pagitan para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod. Hindi nalalayo sa kanila si Efraim Hamadon Inigo na may nakuhang 01:55:58 para sa 4th place.
Mapapansing pareho ang rehistro nina Commendador at Delos Reyes, ngunit may 01:35-mins ang pagkakaiba ng oras sa Second Run event. Numero unong nagtapos ang 6-time Cobra Ironman 70.3 top notcher na si Torres sa pinakamabilis na oras sa 02:11:04 sa Women’s Elite kasunod sina Jelsie De Vera Sabado 02:19:08 at Elaine Yasay Quismundo (02:44:18). Malaking preparasyon ang naturang event para sa NationaL Duathletes na patuloy na naghahanda para sa nalalapit na opening ng 30th Southeast Asian Games simula Nob. 30-Dis 11.
Nakahanda ang pambansang koponan na walisin ang mga gintong medalya sa Men’s at Women’s Duathlon events sa biennial meet na nakatakda simula Dis. 2 at 5 sa Subic Bay Boardwalk at Building 229 Area sa Zambales.





Comments