top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mabilis bumigay sa lalaki, palagi namang iniiwan

Roma Amor
Oct 1, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Mary Joy, 23, hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin ako habang ang mga kaibigan ko ay naka-graduate na. Siguro, ito ay dahil hindi ako nag-focus sa pag-aaral noon at inuna ang love life. Inaasar ako ng mga kaibigan ko na buwan-buwan daw, eh, broken-hearted ako dahil palagi akong umiiyak sa kanila dahil sa lalaki. Mabilis akong ma-fall at mukhang ito rin ang dahilan kaya palagi akong iniiwan. Ano ang dapat kong gawin? – Mary Joy

Mary Joy, Kung palagi kang nasasaktan noon, baka sign ‘yun na huwag mo munang intindihin ang love life mo dahil sabi mo nga, napag-iwanan ka na ng mga kababata mo. Ngayon, bigyang-pansin mo ang iyong pag-aaral at isantabi ang paghahanap ng tamang lalaki para sa iyo. Gayundin, ang lalaking nakatadhana sa iyo ay darating kapag handa ka na, kaya muli, mag-focus ka sa iyong pag-aaral at pagbuo ng iyong sarili. Kaya mo ‘yan. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page