Inanod ng malakas at malabong tubig ang mga gamit, sign na magbabago ang buhay
- Socrates Magnus
- Oct 1, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jean ng Jean _Mie@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Binaha raw kami at inanod ang mga damit namin. Malakas ang agos ng tubig pero malabo ito. Salamat!
Naghihintay, Jean
Sa iyo, Jean, Ganap na pagbabago ang mangyayari sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong panaginip.
Madalas, ang pagbabago ay marahas, masakit at parang nakakatakot na mangyari. Tulad ng baha, sino ba naman ang may gusto na anurin ang mga ari-arian at mga damit? Kaya lang, ganu’n kumikilos ang kalikasan kung saan babaha at magkakaroon ng bagong buhay ang mga binaha.
Ganyan mismo ang mararanasan ninyo dahil kayo ay magkakaroon ng bagong mundo kung saan makapagsisimula kayong muli.
Mahirap maunawaan ang buhay sa mundo dahil madalas ay ayaw ng tao ng mabilisang pagbabago. Pero, kailangang magbago nang sa gayun ay mabuhay siya sa magandang mundo.
Ikaw ay pinapayuhan na anuman ang iyong maranasan ay tanggapin mo nang maluwag sa kalooban ang pagbabagong ito dahil ang lahat ay kailangang maganap para sa ikagaganda ng iyong kapalaran.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments