Todo-buyangyang sa movie nila ni Jasmine… Sigaw ni Ruru: kahit maghubad ako, oks lang sa INC!
- Janice DS Navida
- Sep 30, 2019
- 2 min read

Photo: @rurumadrid8
Tuwang-tuwa ang Kapuso actor na si Ruru Madrid dahil finally, bida na siya sa romantic film ng APT Entertainment at Cignal Entertainment titled Cara X Jagger kung saan katambal niya si Jasmine Curtis-Smith at showing sa Nov. 6 in cinemas nationwide.
In fairness, base sa trailer ng movie, malakas ang chemistry nila ni Jasmine na dati palang crush ni Ruru dahil na-star struck daw siya sa beauty ng younger sis ni Anne nu’ng una niyang makita habang contestant pa lang siya sa Protégé.
Ngayon, leading lady na niya si Jasmine sa movie at may mga kissing scenes pa sila, not once, not twice but many times!
Nangingiting sabi ni Ruru, ni-rehearse pa nila ni Jasmine ang kissing scenes kaya ‘naparami’. Hehe!
Hindi diretsong masabi ni Ruru na wala namang magagalit sa kissing scene nila ni Jasmine. Basta ang sabi lang niya, hindi naman dapat pagselosan kung sakaling may kissing scene siya dahil trabaho lang naman ang ginawa nila ni Jasmine.
Nali-link si Ruru kay Bianca Umali pero hindi niyang maaming GF ang Kapuso actress. Friends lang daw sila kaya hindi rin niya masagot ang tanong kung may dapat bang ipagselos si Bianca kay Jasmine.
Samantala, tiyak na magpipista ang mga bading sa pa-abs ni Ruru sa Cara X Jagger dahil marami raw eksenang topless siya. ‘Di pumayag si Direk Ice Idanan na ‘di i-flaunt ang ganda ng katawan ni Ruru sa movie.
Kahit member siya ng Iglesia ni Cristo, hindi naman daw binabawalan si Ruru na magpakita ng katawan dahil trabaho lang ito.
Oh, well, first movie pa lang ni Ruru pero mukhang bubusugin na agad niya ang mata ng mga fans sa Cara X Jagger dahil sa kaguwapuhan niya at sexiness sa movie.





Comments