top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Lascuna, kampeon sa nanbao TPGA open

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Sep 30, 2019
  • 1 min read

Nagpamalas ang batikang si Tony Lascuna ng mabagsik na leksyon gamit ang aserong dibdib at pulso kontra sa mga pambato ng Thailand at Taiwan sa lima-kataong bakbakan sa homestretch upang maangkin ang korona at iwagayway ang tatlong kulay ng Pilipinas bitbit ang isang stroke na kalamangan sa pagsasara ng NanBao TPGA Open (Philippine Tour 2) sa palaruan ng Nanbao Golf Club ng Tainan, Taiwan.

Mula sa pagiging solo lider sa penultimate round bitbit ang dalawang strokes na bentahe, inatake ang 48-taong-gulang na si Lascuna ng mga umuusok na palo nina Supupramai Sattaya (Thailand) , Jantavara Rachapol (Thailand), Yu-jui Liu (Taiwan) at Tung-Hung Hsieh (Taiwan). Sa huling siyam na butas ng $100,000 na kompetisyong nilahukan ng mga idolo ng Taiwan Golf Tour at Philippine Golf Tour Asia. Ilang beses rin na nakisosyo sa liderato ang mga karibal ng Pinoy.

Pero hindi natinag si Lascuna, Runner-up sa ICTSI Pueblo De Oro Championships sa Cagayan at pagkatapos ng dalawang birdies sa front 9 ay nagkasya sa par-performances hanggang sa huli upang isumite ang 70 sa huling round at ang kabuuang kartadang 271 strokes mula sa apat na rounds (69-64-68-70). Bagamat ito ang kanyang pinakamababang iskor sa loob ng apat na araw, naging sapat na ito para sa korona. Ang rekord ni Liu na 272 (67-66-71-68) ay nagbigay sa kanya ng pangalawang puwesto habang nakuntento sa pagsasalo sa pangatlong baytang sina Sattaya (67-69-68-69), Rachapol (70-68-65-70) at Hisieh (67-70-71-65) dahil sa naisumiteng 273.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page