Ipauubaya na lang daw sa mga sexy… Juday, 'di masikmurang gumawa ng daring roles

Photo: @officialjuday
Dahil nga gusto ni Judy Ann Santos ngayon ng challenging and different roles, natanong tuloy siya kung willing din bang gumawa ng medyo daring na movie na mala-May-December affair ang tema na usung-uso ngayon.
Isang malaking “hindeee!” agad ang sagot ni Juday. “Hindi na kaya ng powers ko ‘yan!”
Kaya sey nga namin sa kanya, ‘yan lang ang isang bagay na hindi niya kayang gawin bilang artista.
“Ibigay na natin ‘yan sa mga sexy! Okay na ako sa mga kontrabida. Parang hindi ko talaga kaya. Para kasing ‘yung panahon ko na lumabtim-love team na ‘ko, rurok na ‘yun ng pakikipaghalikan ko, eh.
“Graduate na ‘ko ru’n. May mga anak ako, may asawa ako. I know it’s being part of an actress to… you know, just accept the roles na ibigay sa ‘yo. Pero para sa akin kasi, natapos na ‘ko ru’n, nagawa ko na siya, and nagkataon itong mga May-December affairs na dumarating, eh, napapanahon sa ang focus ko is my family and my career, and whatever I do, I consider my children first, and then, my husband.
“‘Yun (dahilan)! ‘Yung sanity ng lahat ng members of my family, my sanity, para everybody happy,” pahayag pa ni Juday.
At kahit pa raw wala siyang asawa’t anak, talagang hindi niya kaya ang sexy role.
“Siguro, kahit wala akong mga anak o ano, hindi ko yata kayang gumawa ng ganu’n ka-daring na role,” she said.





Comments