top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyem­bre 30, 2019 (Lunes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 30, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 30, 2019 (Lunes): Huwag kang mag-alala kapag may ginawan ka ng mabuti at hindi maganda. Ito ang dahilan kung bakit palagi kang pagpapalain ng la­ngit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa at ito ay hindi mo mapipigilan kahit ang iyong kaawaan ay madalas na hindi nagpapasalamat nang bukal sa loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-23-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahina ka ngayon kaya mabuting lu­mayo ka muna sa mga ma­pilit at makukulit dahil wala kang magagawa kundi pag­bigyan sila. Ito ang men­sahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-6-11-15-25-26-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali da­hil ngayon, mas kikiling ka sa mga mag­ku­kunwaring nanga­nga­ila­ngan ng tulong. Pero kung magmamarahan ka, ma­ta­tauhan ka at hindi ma­daraya. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-29-30-36.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ay araw mo at ang iba pang mga araw na darating ay sa iyo rin. Ang sinumang sumira ng diskarte mo ay makaka­la­ban ng langit. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-35-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­layo sa iyo ang kinaiinisan mo, ibig sabihin, ma­baba ang kanyang pag­katao. At dahil mas mata­as ka sa kanya, huwag mo siyang patulan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-24-39-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mag-alala da­hil nagha­han­da ang langit ng maagang regalo para sa iyo. Ipagpa­tuloy mo ang pagtulong sa kapwa kahit nanga­ngailangan ka rin ng tu­long. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-12-24-30-31-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtapang-tapangan. Ang tagumpay ay nakasalalay sa mabuting pagpaplano. Ang kabiguan ay nagmu­mula sa kawalan ng pagha­handa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-20-22-25-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bubuwe­nasin ka at mamalasin ang mga kontrabida sa buhay mo. Mahirap pani­walaan pero, tiyak ang mangyayari na mababa­wasan ang ilang suwerte at malilipat sa iyo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-24-28-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat ma­tibay ang loob mo at dapat ang nasabi mo na ay iyon na. Masusubukan ka nga­­yon kung pagbibigyan mo ang mga kahilingan na tinanggihan mo noon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-23-39-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakaka­tuwa ka. Iha­hanap mo ng katwiran ang pagtulong mo sa hindi dapat tulu­ngan. At isa pang nakaka­tuwa sa iyo ay papayag kang madehado para lang lumigaya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-25-27-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka dahil may ilang magta­tangka na dayain ka da­hil akala nila ay mabait ka. Pero dapat din silang mag-ingat dahil ang totoo ay hindi ka mabait. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-5-8-15-24-29-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbawas ka ng nasa iyo na dahil may ma­daragdag sa iyo na mala­laking suwerte. Kapag wa­lang espasyo, hindi maka­kapuwesto ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-25-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page