top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gilas women, nasa 7th rank nang talunin ang India

Alvin Olivar
Sep 30, 2019
1 min read

Tinalo ng Gilas Pilipinas Women ang India, 92-78, noong Biyernes sa Bengaluru, India upang manatili sa Division A ng FIBA Women’s Asia Cup.

Nagwagi ang Gilas Women sa unang pagkakataon at dahil dito ay nakuha nila ang pampitong puwesto sa rankings ng torneo.

Natalo ang Gilas Women sa kanilang mga laro sa group stage kontra China, Australia at New Zealand.

Ngunit ito ay nakabawi sa classification round para sa 7th place kung saan nanguna si Janine Pontejos para sa Gilas Women matapos gumawa ng 18 points, 5 rebounds at 4 assists.

Tumulong din si Khate Castillo para sa pambansang koponan pagkaraang gumawa ng 15 points at 5 tres habang gumawa si Ria

Nabalan ng 13 points. Gumawa rin ng tig-11 points si Kelli Hayes at Gemma Miranda para sa Gilas Women.

Kasama ang FIBA Women’s Asia Cup sa paghahanda ng Gilas Pilipinas Women para sa 30th Southeast Asian Games kung saan hanggad nila na makakuha ng medalya sa kompetisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page