Batang evalom masusubok

Labis ang paghahanda ng mananakbong Batang Evalom sa 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Oktubre 6 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Makakaharap ng Batang Evalom ang 11 kabayo na kinabibilangan ng Blasing Bullet, Bulwagan, Excellence, Exponential, Kawhi, Lucky Savings, Make Some Noise, Noon Bell, Our Secret, Prime Time Magic at Union Bell.
Ang Juvenile Fillies and Colts ay paglalabanan ng apat na babae at walong lalaki sa 1,200 meters na distansiya na dalawang magka-couple entry na kalahok.
May papremyo na P1,040,000 na hahatiin sa apat na ang magkakampeon ay tatanggap ng P600,000, samantalang ang 2nd place ay may P225,000, may P125,000 sa 3rd place at tatanggap ng P50,000 ang 4th place.
May P40,000 ang breeder sa mananalong kabayo. Bukod sa Batang Evalom, tinitingnan din ang husay sa takbuhan ng Our Secret, Bulwagan at Kawhi. Sa Oktubre 13 hahataw ang 2019 Philracom 4 Year Old and Above Local Stakes Race sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Maglalaban ang Hiway One, Metamorphosis, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Summer Romance at Victorious Colt. May P300,000 ang magkakampeon, may P112,500 ang 2nd place, tatanggap ng P62,500 ang 3rd place at may P25,000 ang 4th place. May 30,000 ang breeder sa mananalong kabayo.





Comments