top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Transport strike, mga komyuter ang biktima

Editoryal
Sep 29, 2019
1 min read

Ready na ba kayo sa mga magiging eksena sa kalsada bukas?

Ito ay matapos tiyakin ng mga drayber at operator na tuloy na tuloy na ang kanilang tigil-pasada bilang pagpalag sa planong pag-phaseout sa mga jeepney at UV Express sa susunod na taon.

Iginigiit ng ilang grupo na puro panlilinlang ang PUV modernization program ng gobyerno na papatay umano sa kabuhayan ng mga tsuper.

Wala rin umanong direktang mapautang ang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga drayber para makabili sila ng mga bagong sasakyan o jeep.

Samantala, may mga transport group at cooperative naman ang nagpahayag ng suporta sa programang modernisasyon ng gobyerno. May mga nangako ring hindi makikilahok sa tigil-pasada.

Mahigpit ang babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang babawian ng prangkisa ang sinumang sasali sa nasabing protesta.

Ipinaliwanag ng ahensiya na ang prangkisa ay prebilehiyo at hindi karapatan.

Responsibilidad ng mga operator na bigyan ng komportableng biyahe ang kanyang mga pasahero.

Kasabay nito, tiniyak naman na magtutulungan ang mga sangay ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng tigil-pasada sa mga mananakay.

Sa ganitong pagkakataon, hindi maitatanggi na kawawa rin ang mga komyuter. Hindi malaman kung paano makararating sa trabaho o sa paaralan.

‘Yung wala ngang transport strike, pahirapan ang biyahe, paano pa kapag walang masakyan?

Sana, maayos na ang usapin at magkasundo na ang mga kampong apektado.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page