Nakapusta si Pacman kay Spence vs. Porter

Nagpahayag na si 8th-Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao ng kanyang desisyon sa labanang Errol Spence at Shawn Porter para sa unification fight ngayong Linggo ng umaga sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Kinatigan ng kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight champion ang International Boxing Federation (IBF) titlist na si Spence na siya ang malinaw na mananalo sa bakbakan nito kay World Boxing Council king na si Porter. “It’s going to be a good fight, a close fight, but I think
Spence will win,” wika ni Pacquiao sa panayam dito ng World Boxing News.
Sa isang tudyuang pangyayari, tila pinili na ni Pacquiao ang kanyang susunod na makalalaban na aminadong parehong nagnanais na makatapat ang Filipino boxing legend na posibilidad na maganap umano sa Abril o Mayo sa susunod na taon.
Sakaling hindi maging matagumpay ang muling paghaharap nina undefeated-retired na si Floyd Mayweather, Jr. at ng Pambansang Kamao, hindi mawawala sa eksena ang dalawang boksingero na nauna nang humamon sa kanya.
Gayunman, magiging sulit para sa lahat ng manonood ang salpukan ng dalawang kampeon na kasama niya sa Premier Boxing Champions (PBC) ni Al Haymon.
”It’s not gonna be one-sided fight, it’s gonna be a competitive fight. The fans will be treated to a once-in-a-lifetime experience in this fight,” pahayag ng Fighting Senator.
Hati ang iba pang kasamahan nina Spence at Porter sa PBC camp kung sino ang mananaig sa dalawang boxing fighter.
Pumabor kay Spence sina Keith Thurman at Andre Berto habang sina Yordenis Ugas at Robert Guerrero ay kumampi kay Porter.





Comments